^

Pang Movies

Nanggulong swimmer sa Rio Olympics inilaglag ng mga endorsement

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos umamin sa kanyang pagsisinungaling, binitawan na ang US swimmer at Olympic Gold Medalist na si Ryan Lochte ng kanyang mga ini-endorsong produkto.

Unang naglaglag kay Lochte ay ang Speedo USA. Nag-decide ang naturang brand na tapusin na ang sponsorship nila sa bemedalled swimmer pagkatapos ng ginawa nitong gulo sa Rio.

“We cannot condone behavior that is counter to the values this brand has long stood for,” ayon pa sa statement ng Speedo USA para sa media.

Sumunod na bumitiw kay Lochte ay ang fashion brand na Ralph Lauren.

“Ralph Lauren continues to proudly sponsor the U.S. Olympic and Paralympic team and the values that its athletes embody. Ralph Lauren’s endorsement agreement with Ryan Lochte was specifically in support of the Rio 2016 Olympic Games and the company will not be renewing his contract.”

Pangatlong bumitiw sa swimmer ay ang Japanese mattress company na Airweave.

“Our endorsement agreement with Ryan Lochte was in support of the Rio 2016 Olympic Games. After careful consideration, we have made the decision to end our partnership with Ryan Lochte. We remain committed to supporting Team USA and the athletes preparing for the Paralympic Games.”

At pang-apat na nawala kay Lochte ay ang Gentle Hair Removal.

“Gentle Hair Removal’s parent company, Syneron-Candela, holds employees to highest standards, and we expect the same of our business partners.”

Dahil sa ginawang problema ni Lochte, maaaring mawala sa kanya ang higit na $10 million dahil sa pagbitiw sa kanya ng apat niyang malalaking sponsors.

Alden at Maine hindi makapaniwala sa ginawa ng fans

Taus-puso ang pasasalamat phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang fans na kung tawagin ay AlDub Nation dahil sa pag-hit ng higit na one million tweets kada episode ng kalyeserye sa loob ng isang taon.

Nag-tweet nga si Alden ng kanyang pasasalamat sa ADN dahil sila ang naging saksi sa pag-grow ng loveteam nila ni Maine sa simula pa lang na nagkakilala ang dalawa sa Eat Bulaga.

Masayang-masaya naman si Maine dahil sa suporta na binigay ng ADN sa kanilang ni Alden at ang hindi pagbitiw sa loob ng isang taon.

“Wow this is amazing! Galing, ADN!” tweet pa ni Maine.

Nag-attach pa si Maine ng isang report mula sa PH Social Media Stat para ipakita ang mga tweet counts ng AlDub Nation mula August 21, 2015 until August 20 sa taong ito.

Isinabay na rin ni Maine ang kanyang pasasalamat dahil umabot na sa 4 million ang kanyang followers sa Twitter as of August 21.

Bagitong actor na si Ralph pinag-iinteresan si Janine

Hindi inakala ng baguhang aktor na si Ralph Noriega na magiging very helpful sa kanya ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Magkasama ang dalawa bilang magkapatid sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na Someone To Watch Over Me.

Kuwento ni Ralph na binigyan daw siya ng acting advice ng kanyang Kuya Tom tuwing may eksena sila. Naka-adjust na nga raw si Ralph sa buong cast ng kanilang teleserye at lahat daw ay mababait at madaling lapitan.

Taga-Pacita Complex in Laguna si Ralph at 17 years old lang siya. Nakagawa na siya ng dalawang TV commercials at nakakontrata siya sa GMA Artist Center.  Una niyang naging teleserye ay ang Poor Señorita. Kung may gusto raw siyang makatrabaho na Kapuso actress, ito ay walang iba kundi si Janine Gutierrez na super-crush daw niya noon pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with