^

Pang Movies

Kim inahas ng best friend

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Maituturing na heartbreaking talaga ang naranasang pagkasawi ni Kim Molina sa pag-ibig  considering that she lost her first boyfriend sa kanyang itinutu­ring na best friend.

Ang higit na masakit ay noong kanyang komprontahin ang babae, dahasang sinabi nitong totoong sila na nga ng lalaki.

Malamang ay nasak­tan siya ng labis sa nangyari. After all nga naman, hindi lamang boyfriend ang nawala sa kanya kundi maging ang kanyang best friend.

No wonder daw na naka-identify siya sa kanyang role na babaeng nasawi sa pag-ibig sa Camp Sawi.

Kung sabagay, ganun din daw ang mga female co-star niya rito na sina Andi Eigenmann, Bea Padilla, Yassi Pressman at Arci Muñoz.

Lahat sila, tulad niya ay naranasan na rin na masawi sa pag-ibig.

Camp Sawi opens in theaters nationwide today (August 24). Produced by Viva Films and N2 Productions directed by Irene Villamor.

Ang Camp Sawi ang unang major role ni Kim sa isang pelikula.

Theater actress kasi siya at kabilang sa cast ng stage play na Rak of Aegis.

Singer din si Kim at may album pa.

Sa pelikulang Camp Sawi, masaya si Kim dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan nina Andi, Bela, Kim and Arci. Plus, of course, Sam Milby, na gumaganap na leading man nila sa pelikula.

Sam naaligaga sa career nang magka-girlfriend

Wala namang dudang isa si Sam Milby sa may pinakamaraming assignments among his fellow Kapamilya these days.

Habang nagpu-promote siya at ang ibang members ng cast ng Camp Sawi, may sinisimulan na siyang pelikula for Star Cinema. Ito ay may title na Third Party, kung saan makakasama niya sina Zanjoe Marudo at Angel Locsin.

Kasama rin siya sa cast ng Doble Kara, kung saan gumaganap ang kapareha niyang si Julia Montes ng dual role.

Lucky in love too si Sam dahil nahanap na niya ang woman of his dream na si Mari Jasmine.

Six years din ang nakalipas mula nang mag-break sila ng kanyang huling girlfriend na si Anne Curtis.

Common know­ledge na unang nagkaroon ng boyfriend si Anne, who has been in a relationship with Erwan Heussaff, commercial and ramp model, restaurant owner and youngest brother ni Solenn Heussaff.

May mga bulung-bulu­ngan pa nga na ikakasal na raw sina Anne at Erwann next year.

Sen. Pacquiao dinatungan ang matandang boksingero na gusto pang makipagbakabakan!

Saludo kami, Salve A., kay Senator Manny Pacquiao sa ibinigay niyang pi­nansyal na tulong sa isang dapat magretiro nang boksingero pero nagpupumilit pa ring sumali sa mga boxing fight at umaasang mananalo siya para mabigyan niya ng mangandang bahay ang kanyang pamilya.

Sa perang ibinigay niya sa kanyang kasamahan at sa asawa nito, sana nga makapagsimulang mamuhunan ang mag-asawa, nang makapagpanibagong buhay sila.

May your tribe increase, Senator Manny.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with