^

Pang Movies

BB Gandanghari itatakwil na rin pati ang pagiging Padilla!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-file na ng isang petisyon para sa change of name and gender si Rustom Padilla sa US. Hinihiling niya sa korte na kilalanin siya bilang isang babae, at magamit nang legal ang pangalang Binibining Gandanghari. Hindi lang iyong pangalan niyang Rustom ang kanyang gustong alisin, kundi pati na ang apelyidong Padilla.

Sa US hindi na bago iyan. Marami nang nagawang change of name and gender doon, pero dito sa Pilipinas ay hindi uubra iyan. Kung uuwi siya sa Pilipinas, gagamitin pa rin niya ang pangalang Rustom Padilla at mananatili siyang isang lalaki.

Sa pagkakaalam namin, biologically lalaki pa rin naman talaga si Rustom, kahit na sinasabing umiinom siya ng mga hormone drugs para mas “maging babae” ang hitsura niya.

Hindi pa siya nagpapaopera para baguhin ang kanyang gender. Hindi rin naman nababago talaga ang gender. Namo-modify ang hitsura ng private organs pero hindi napapalitan ang gender dahil hindi naman siya malalagyan ng obaryo.

Noong una, ang alam namin ay tutol sa ganyan ang kanyang ina. Ang kanyang ina ay kasapi sa Jehovah’s Witness. Muslim naman sina Robin at Rom­mel. Nanatiling Katoliko si Royette. Sa kanilang paniniwala ay mali talaga ang pagpapalit ng kasarian. Lalo na nga ang pakikialam sa katawan para palitan ang kasarian. Pero tanggap na rin nila na kung iyon ang gustong gawin ni Rustom, ano nga ba ang kanilang magagawa?

Hindi na nga nila napigilan iyon noong una eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with