^

Pang Movies

Alden pumiyok, mas safe sila ni Maine ‘pag nasa hotel!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Itinuloy na ni Pambansang Bae Alden Richards ang kanyang matagal nang thanksgiving party with the entertainment press last Tuesday, July 26 sa Le Reve Events Venue.

“Unending thank you po ang ipinaaabot ko sa inyong lahat,” simula ni Alden.  “Pasensiya na kayo dahil nagkasunud-sunod po ang work ko last year, kaya wala tayong Christmas party.  The press is very important in my career dahil kayo talaga ang nakatulong sa akin since I started my journey.  But I thank not only the press, but also the public and the Lord for all the wonderful things happening to my career now.

“Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat ng mga nanood ng first movie namin together ni Maine (Mendoza), ang Imagine You And Me na tuluy-tuloy pa po ang showing here and abroad, as to how much it has earned sa box office, wala po akong maisasagot, siguro ang producers na lamang namin ang tanungin ninyo.”

May mga nag-question naman tungkol sa kari-release lamang niyang book, ang Alden Richards: In My Own Words mula sa Summit Media. May mga nagsasabi kasing hindi naman siya ang nagsulat ng libro.

“In-interview po ako ng Summit Media tungkol sa libro at sila na ang sumulat nito.  Mababasa niyo po ang story ko, since I was born, ang showbiz life ko at iyong sa amin ni Maine.”

May nagtanong tuloy kay Alden ng tungkol sa nakita sila ni Maine na magka-date sa isang hotel.  Hindi naman nagkaila si Tisoy.

“May isang hotel kami na laging pinupuntahan.  Doon po ang safe zone namin ni Maine when we go out.  Doon ko siya laging dinadala.  Yes po, sa Sofitel.  Doon kasi feel safe kami dahil walang masyadong lumalapit sa amin, walang camera, kung meron man, paisa-isa, nirerespeto nila iyong kami lamang dalawa ni Maine ang magkasama”

Siniguro na rin ni Alden na ang susunod niyang project, with Maine pa rin, na inihahanda na raw ng creative team nila. Sa September, may shows si Alden sa San Francisco at Canada.  Sa October 2, may concert siya sa London.

Sa kabila ng mga magagandang nangyayari sa kanya, hindi pa rin nawawala ang mga bashers ni Alden, sabi nga you cannot please everybody.

“The more gumagawa kami ng mabuti at gumaganda ang career namin ni Maine, hindi po talaga nawawala. Noong una nasasaktan kami, parang kilalang-kilala nila kami kung i-bash nila, pero nasanay na rin po kami.  At the end of the day, kami pa rin ni Maine ang magkasama, hindi na lamang kami kumikibo, basta nagkakaintindihan kami at alam namin ang totoo.”

Marian rumampa rin sa paseksihan

Rumampa ang three-time FHM Sexiest na si Marian Rivera-Dantes sa Valkyrie, The Palace sa Uptown BGC last Tuesday na ginanap ang FHM 100 Sexiest 2016. 

Tunay na the Queen si Marian na kahit may Baby Zia na ay napaka-sexy pa rin.  Hindi na siya nag-join ng contest this year pero nakakuha pa rin siya ng 6th place at hindi pumayag ang FHM na hindi ibigay sa kanya ang First Hall of Fame ng FHM.  Congratulations!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with