^

Pang Movies

Kaya gustong balikan si Bea Gerald aminadong laging malungkot ang gabi

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Inamin ni Gerald Anderson na nakakaranas na siya ng mga malulungkot na gabi, lalo na kapag mag-isa na lang siya.

Although determinado siyang mapasagot ulit si Bea Alonzo, na kasama niya sa pelikulang How To Be Yours, kailangan pa rin niya talagang mag-effort.

But thru media, naipahayag na raw niya kay Bea kung gaano niya kagustong mapasakanyang muli.

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa relasyon nila ni Bea noon, “Na more than just love her, dapat ma-feel din niyang truly committed ka to her.”

Parehong loveless sina Bea at Gerald. Buwan na ang binilang nang maghiwalay sina Bea at Zanjoe Marudo.

Medyo years na ang binilang, on the other hand, nang maghiwalay naman sina Gerald at Maja Salvador.

Loveless pa rin, hanggang ngayon si Maja.

Paglipay gustong mapanood ng mga Aeta

Umaasa pala ang mga taga-Botolan sa pangako ng mga tao sa likod ng production ng movie, Paglipay, na iso-showing ito sa town plaza.

Paglipay, which won the best picture honors, plus the People’s Choice Award sa katatapos lang na ToFarm Film Festival, was filmed, according to my sister, Nida Duplon, na kasalukuyang naninirahan sa Botolan mismo kasama ang asawa niyang si Fausto.

Ang Botolan din ang lugar na palaging binabanggit ni Onyok na sa totoong buhay ay si Simon Pineda sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Si Onyok ay isang Aeta, na inampon ni Cardo (Coco) nang siya ay manirahan sa Botolan for a while.

In Paglipay, which Zig M. Dulay directed, hindi lamang ang araw-araw na buhay ng mga Aeta ang binigyan ng importansiya kung hindi pati rin ang kanilang kultura.

For his effort, nanalo si Direk Zig ng best director trophy. And for Aeta Garry Cabalic, na ginawang bida ni Direk Zig, natanggap niya ang best actor trophy.

Ka-tie niya ang kilalang aktor na si Bembol Roco, na nanalo naman sa pelikulang Pauwi Na.

ToFarm tumatanggap na agad ng entry

Ang ToFarm Filmfest ay isang yearly event, para mas ipaabot pa sa publiko ang kahalagahan ng ating mga mahal na magsasaka at ang kanilang kontribusyon sa ating mga buhay.

Si Maryo delos Reyes ang director ng nasabing filmfest.

The ToFarm Filmfest Award ceremony this year was held at the Makati Shangri-La Hotel.

Direk Maryo announced na tumatanggap na ang ToFarm ng entries for the next edition of the filmfest. It’s theme for their second award ceremony: Planting the seeds of change.

James dawit sa Broken Hearted na boarder ni Kuya

Nakakaramdam pala ng kirot, Salve A., si Maris Racal, tuwing napapanood daw niya sa ongoing Pinoy Big Brother (PBB) Vietnam ang dalawa sa kasalukuyang boarders ni Kuya, sina McCoy de Leon at Elise Joson, na wa­ring nagkakamabutihan na.

Hindi man tuwirang aminin ni Maris, wa­ring nagkaroon sila ng something ni McCoy, habang ginagawa ang We Will Survive, kung saan nakasama nila sina Pokwang at Melai Cantiveros.

Nakausap namin si Maris sa premiere ng How To Be Yours sa Megamall noong Tuesday (July 26). Kasama niya ang fellow former PBB boarder na si Loisa Andalio, who has three equally young suitors na sina Jerome Ponce, Yves Flores and Joshua Garcia – but considers no one special among them.

Sina Maris at Loisa ay parehong 17 years old lang.

Of Elise, broken-hearted pala ang dalaga (she’s 20) nang pasukin niya ang Bahay ni Kuya.

Hindi man niya pinangalanan, nagsisimula raw sa letter “J” ang pangalan ng tatlong lalaki na “sumugat” sa puso niya, and who we discovered, na ang isa ay si James Reid nga ba o si Jerome Ponce?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with