^

Pang Movies

Eric walang kabilib-bilib sa kasal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dahil tungkol nga sa love story ng mga gay ang That Thing Called Tanga Na, natanong tuloy ang mga artista kung ano ba ang opinion nila sa same-sex marriage. Payag sa same-sex marriage ang baguhang si Ken Alfonso. Wala rin namang objections sina Kean Cipriano at Angeline Quinto.

Ang baguhang si Timothy Yap lang ang nagsabing “bakit pa naman sila magpapakasal”. Payag din ang kanilang director na si Joel Lamangan na nagsabi pang “tatanggi pa ba ako”.

Pero si Eric Quizon ay may ibang opinion. Hindi lamang same-sex marriage ang kanyang tinukoy kundi ang kasal mismo. Inamin ni Eric na ang mga magulang niya ay hindi kasal at lahat sila ay masasabing born out of wedlock. Sinasabi niyang para sa kanya ay hindi na rin ganoon kahalaga ang kasal kasi nga basta ang dalawang tao ay nagmamahalan, sapat na iyon para sa kanya.

Para kay Eric, ang mas mahalaga ay ang responsibilidad sa isa’t isa, iyong pagmamahalan. Nasabi pa nga niyang maraming ikinasal na nagkakahiwalay din, ni hindi pa nga nagtatagal. Para sa kanya hindi rin naman guarantee na ang kasal ay nangangahulugan nga ng “forever”.

Very valid ang sinabing iyon ni Eric. Hindi maikakaila ng kahit na sino na totoo iyon. Pero sa kabila noon, mayroon din namang advantages ang pagpapakasal. Una, ang pagsasama ay nagiging legal. Ang pagsasama rin ng kanilang mga magiging ari-arian ay nagiging legal din. Kung sakali at may partido na maagrabiyado sa samahan, makakapaghabol siya sa pamamaraang legal. Kung hindi kasal, walang kahit na anong responsibilidad na legal.

Kung kukunin naman natin doon sa paniniwalang Kristiyano, ang kasal ay hindi basta isang celebration lamang. Iyan ay isang sakramentong itinatag ng Diyos at pinagtibay ni Kristo. Kaya nga itinatagubilin ng simbahan na magpakasal. May pagkakaiba nga lang. May mga bansa kung saan legal ang same-sex marriage. Sa simbahan, malabong mangyari ang ganun.

Angeline kumikita at nakakabiyahe ng libre sa kasal ng mga bading

Natawa naman kami sa sagot ni Angeline Quinto, ang kaisa-isang babae sa cast ng That Thing Called Tanga Na. Para sa kanya ay payag siya sa same-sex marriage.

Nagkuwento siya na dalawang ulit na raw siyang nakuha para kumanta sa wedding ceremonies ng mga bading at sa abroad pa raw iyon kaya nakabiyahe na siya, malaki pa ang bayad. Noon nga raw nagsu-shooting sila ng That Thing Called Tanga Na, mayroon pang kumukuha sa kanya para kumanta sa isa pang gay wedding na sa Canada pa gagawin, kaya nga lang hindi niya natanggap.

Pabiro nga siguro ang sagot na iyon ni Angeline, pero totoo iyon. Maraming gay marriages ang mas­yadong bongga, lalo na kung mga baklang Pinoy at kumukuha sila at nagbabayad pa ng malaki sa mga singer para kumanta ng kanilang theme song.

Mas malaki pa nga raw ang bayad sa mga “pari-parian”, dahil hindi naman mga tunay na pari iyong nagkakasal ng mga bading, dito sa atin kaysa sa abroad.

Magastos talaga ang gay weddings, at kung kagaya nga sa Pilipinas na hindi pa naman legal, ano nga ba ang pakinabang? Lalabas na para lang iyang moro-moro o teleserye. Ni hindi naman naire-rehistro sa civil registrar ang kasal ng dalawang bading. Kasi nga hindi pa rin kinikilala iyan ng ating gob­yerno.

May mga bading din sa Kongreso, pero ewan kung may tatayo riyan para magharap ng isang panukalang batas para gawing legal ang same-sex marriage sa Pilipinas. Aamin ba sila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with