^

Pang Movies

Speech ni Pres. Duterte simple at prangka, VP Leni kulang daw sa sustansiya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang isang top rating teleserye na pinanood kahapon ang inauguration ni President Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.

Tinutukan ng buong bayan ang mga seremonyas ng pag-alis ni P-Noy sa Malacañang Palace at ang panunumpa ni Papa Rody, kasama ang kanyang apat na anak.

Marami ang na-touch sa official family pictorial ng mga Duterte dahil nakumpleto ang unang pamilya ni Papa Rody dahil nag-join sa pictorial ang former wife niya na si Elizabeth Zimmerman.

Type na type ko ang inaugural address ni Papa Rody dahil simple pero madaling intindihin at prangka ang kanyang mga salita na binitiwan.

May mga maldito na ikinumpara ang speech ni Papa Rody sa inaugural address ni Vice President Leni Robredo. Nagustuhan daw nila ang mga sinabi ni Papa Rody kesa sa inaugural speech ni Mama Leny na laylay na laylay dahil kulang daw sa sustansya.

Natuwa ako nang makita ko sa oath-taking ni Papa Rody sina former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada, Spea­ker Sonny Belmonte at ang magkapatid na Imee Marcos at Bongbong Marcos. Kung hindi siguro nakakulong si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tiyak na invited siya ni Papa Rody.

Pinataob ang yellow gown ni Kris Mayor Sara Duterte lutang na lutang sa suot na blue gown

Ang ganda-ganda ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang royal blue gown.

Simple at walang burloloy ang gown ni Mama Sara sa inauguration ng tatay niya pero angat na angat siya. May mga nag-compare sa royal blue gown ni Mama Sara sa yellow gown na ginamit ni Kris Aquino sa inauguration ng kanyang kapatid na si P-Noy noong 2010. Inokray-okray ang yellow gown ni Kris na inihalintulad kay Big Bird ng Sesame Street.

Ilang bisita mega-kaway sa camera

Sabik sa exposure ang ilang mga bisita sa oath-taking ni Papa Rody dahil mega-kaway sila kapag natututukan ng mga TV camera.

Nakita ko na naman ang isang supporter ni Papa Rody na nagtataas ng kanyang mga kilay kapag natatapatan ng kamera. Akala yata niya, cute siya sa kanyang ginagawa. Ang hindi niya alam, kinaiimbyernahan na siya ng televiewers.

Mestisong aktor na pamilyado, nakikipagtsugian sa sexy actress!

May nagtatanong kung hiwalay na ba ang mestisong aktor sa kanyang non-showbiz wife dahil nali-link siya ngayon sa isang sexy actress.

Sa pagkakaalam ko, happily-married pa rin ang aktor sa misis niya na walang kinalaman sa showbiz.

Nagkaroon ng tsismis na single na uli ang aktor dahil maugong ang balita na nakikipagtsugihan siya sa sexy actress na nali-link naman sa aktor na visible sa TV.

Bago naugnay ang mestisong aktor sa sexy actress, natsismis na secret lover siya ng another actress na may dark past.

Tahimik, disente at gentleman ang image ng aktor pero maraming sikreto ang itinatago niya. Kung sabagay, kung sino pa ang mga tahimik na tao, sila ang sangkot sa mga kababalaghan.

Paolo binagayan ang lumuluwang boobs

Nagpagawa pa ng fake na boobs ang mga producer ng Die Beautiful para credible na transsexual ang karakter na ginagampanan ni Paolo Ballesteros.

Sumobra naman ang laki ng prosthetics boobs na isinalpak sa dibdib ni Paolo na lalong nagmukhang babae dahil natural na maganda ang mukha niya.

Mag-expect tayo na lalong iingay ang pelikula na ginagawa ni Paolo dahil bonggang-bongga ang mga idea nina Jun Lana at Perci Intalan para sa ikagaganda ng project nila. Sina Jun at Perci ang mga producer ng Die Beautiful.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with