^

Pang Movies

Jake napagkamalang si Carrot Man

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal ding hindi nabigyan ng mabigat na role ang Kapuso actor na si Jake Vargas, kaya naman sobra siyang nagpapasalamat sa pagpili sa kanya na gumanap bilang si Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man sa drama anthology na Magpakailanman noong nakaraang Sabado.

Marami kasi ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig nila ni Carrot Man, lalo na noong kunan silang dalawa na pareho ang damit at pinasuot pa ng wig si Jake.

 “Saktong kamukhang-kamukha ko si Carrot Man,” pagmamalaki pa ni Jake.

Napagkamalan pa raw siya ng isang kababayan ni Jeyrick noong mag-shoot sila ng ilang eksena sa Baguio City.

“Kinausap ako ng lingguahe nila. Sabi ko, ‘Kuya, ano po? Hindi ko po naintindihan.’ Akala niya ako si Jeyrick,” ngiti pa ni Jake.

Lalong humanga raw si Jake kay Carrot Man dahil sa mga pinagdaanan nitong mga hirap sa buhay.

“Noong nasa taping ako, binasa ko lahat ng script kung paano siya nagsimula hanggang kung paano sumikat si Jeyrick.

“Since bata, nagtrabaho na talaga siya para sa pamilya niya at para makatulong siya dun sa mga kapatid niya so ang ganda ng istorya ni Jeyrick.”

Nahirapan nga raw si Jake na magbuhat ng isang kaing ng carrots. Doon lalong bumilib ang aktor sa sakripisyo at pagiging masipag at matiyaga ni Jeyrick.

“Pinabuhat sa akin talaga para maramdaman ko ang ginagawa ni Jeyrick. Mabigat, sobra! ‘Di biro kasi mangangawit ‘yung batok mo, eh. At saka kung hindi ka marunong humawak ng tama, baka mabali ‘yung likod mo,” pagtapos pa ni Jake na nagpapasalamat sa mga nanood ng life story ni Carrot Man sa Magpakailanman dahil nag-trending sila nationwide.

Kapuso hunk na si Bryan college instructor na rin

College instructor na ng University of the East Manila ang Kapuso hunk na si Bryan Benedict.

Naging isa sa mga finalists ng reality artista search ng GMA 7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012 si Bryan na taga-Cebu City.

Naging kasabayan ni Bryan sa Protégé ay ang mga winners na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. Pati na rin sina Ruru Madrid, Mikoy Morales at Arny Ross.

Isang model si Bryan Benedict bago siya mag-audition sa Protégé. Dalawang beses na siyang na-feature sa Cosmo Ba­chelors (2008, 2010) gamit ang tunay niyang pangalan na Bryan Anastacio.

Nagtapos with honors (Magna Cum Laude) si Bryan sa UE-Manila sa kursong Tourism noong 2010.

Lumabas na si Bryan sa maraming shows ng GMA 7 tulad ng Nay-1-1, With A Smile, Ilustrado, More Than Words, Yagit, The Rich Man’s Daughter, Destiny Rose, Dangwa, Maynila, Karelasyon at Magpakailanman.

Captain America na-in love sa komedyana

Naging malihim ang Hollywood actor na si Chris Evans tungkol sa kanyang lovelife.

Wala ngang nali-link sa kanya romantically simula noong magbida siya sa Captain America films.

Pero nitong nakaraang weekend ay ginulat ni Chris ang marami dahil lumabas na sila in public ng kanyang ladylove, ang comedienne na si Jenny Slate.

Si Chris ang naging date ni Jenny sa New York green carpet premiere ng bagong animated film na The Secret Life Of Pets. Isa si Jenny sa nagbigay ng boses sa naturang film.

Sa interview ni Jenny sa Entertainment Tonight, masaya itong kasama si Chris sa araw na iyon.

“I haven’t really had a large premiere before, so it’s nice to have someone who knows how it goes.

“We didn’t know each other growing up, but we grew up about half an hour away from each other in Massachusetts... It’s kind of like I got my dream 7th grade boyfriend.”

Nagsimula si Jenny sa TV show na Saturday Night Live in 2009. Lumabas na ito sa ilang U.S. series tulad ng Parks And Recreation, Married, House of Lies at Hello Ladies.

Kinasal siya sa filmmaker na si Dean Fleischer-Camp noong 2012. Pero naghiwalay na sila pagkatapos ng apat na taong pagsasama. Kaya malaya siyang makipagrelasyon kay Captain America.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with