^

Pang Movies

Megan gusto nang makakawala sa Miss World!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Matagal nang magkakilala sina Mark Herras at 2013 Miss World Megan Young, kaya wala silang naging problema at ilangan nang magkasama sa Conan, My Beautician. Gumaganap na beki si Mark sa sitcom at dahil straight guy naman siya talaga, na-in love siya kay Ava (Megan).

Natanong namin si Megan noong presscon kung nagpaturo ba sa kanya si Mark kung paano umarteng isang babae?

“Hindi naman, pero biniro ko nga siya na mala-beauty queen na ang lakad niya,” kuwento ni Me­gan. “Tawa siya nang tawa nang sabihin kong parang may ginaya siya sa beauty queen walk niya. Si Winwyn (Marquez), his girlfriend ang gayang-gaya niya ang walk. But in fairness, nakita kong pinaghandaan ni Mark ang role niya at nakatutuwa ang transformation niya from the straight guy Conan to Conan, the beautician.”

First time pala ni Megan na gumawa ng sitcom. Paminsan-minsan daw ay nakapaggi-guest siya sa isang sitcom, pero hanggang ganun lang. But this time, talagang magpapatawa na siya since isa siya sa mga bida.

Nala­man namin kay Megan na dahil na­ka-con­tract pa rin siya sa Miss World, ina-ap­pove pa rin nila ang projects na ginagawa niya. Hindi naman siya nagkaroon ng problema sa Conan... dahil sitcom ito.

Balak ni Megan na huwag na siyang mag-renew ng contract sa Miss World. Kahit naman kasi wala siyang contract at maimbitahan for any event ay papayag pa rin siyang um-attend.

Produced by GMA Public Affairs, mamayang 5:00 p.m. na ang pilot telecast ng Conan, My Beautician.

Kanta ni Maine hinahanap sa iTunes

Maraming nagtatanong na AlDub Nation kung kailan daw mabibili ang single ng theme song sa first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza with the same title Ima­gine You & Me. Bakit daw wala pa rin sa iTunes ito para makapag-download sila. Or hindi raw ba ito iri-release ng GMA Records since co-producer naman ng movie ang GMA Films at APT Entertainment, Inc.?

But we heard, pero hindi namin alam kung totoo na nasa Eat Bulaga raw ang desisyon kung gagawan nila ito ng single o isasama sa gagawing debut album ni Maine.

May sorpresa nga bang naghihintay mamaya kay Alden sa comedy-variety show nilang Sunday PinaSaya sa GMA 7?

Conan, hindi raw puro kabaklaan

Nabiro nga pala si Direk Adolf Alix noong presscon ng Conan, My Beautician kung sawa na ba siyang gu­ma­wa ng mga seryosong mo­vies and tele­vision series, kaya naisipan niyang gawin ang isang co­medy series ngayon. Siguro nga raw ay gusto niyang ma-test ang sarili kung pu­wede siyang magpatawa. At hindi naman daw siya nagkamali, dahil nabawasan ang kanyang stress sa pagdidirek dahil napakasaya ng mga artista niya. Wala raw pa-star, even ang kanyang production staff ay magaan ding katrabaho.

Napansin din daw kasi niyang nawawala na ang mga pampamilyang serye sa TV na makapagpapasaya. Tulad nitong Conan, My Beautician, hindi naman daw tungkol sa third sex, it’s about life and falling in love.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with