^

Pang Movies

Wa paki sa bashers James gandang-ganda sa ilong at panga ni Nadine!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si James Reid ang masusunod, ayaw daw niyang patulan pa or mag-react sa negative comments ng bashers nila ni Nadine Lustre. Pero para sa kanilang libro na Team Real ay ginawa niya ito. May bahagi kasi sa book na sinasagot nila ang mga hindi magagandang komento ng kanilang haters.

“Actually, I didn’t want to do that part of the book. I did (answer) but I didn’t want to because in real life, I would never answer to bashers.

“That was for the sake of. . .you know, (fans), to share what’s in my head,” sabi ni James.

Since sumagot na nga rin siya sa book, sa book press launch ay natanong si James kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing hindi sila bagay ni Nadine.

“What are you talking about?” ang reaksyon ni James sa naturang komento.

Sa book ay naka-quote ang isang basher na nagsabing ang pangit daw ng ilong ni Nadine at ang laki ng panga. Ang sagot ng young actress sa libro, “I love myself”.

Ano naman ang maisasagot ni James tungkol dito?

“I love herself, too,” na ikinatawa ng lahat.

‘Yun lang ang maisasagot niya?

“I really don’t care about that stuff,” nakangiti niyang sagot.

When asked kung ano talaga ang nararamdaman niya kapag ganun’g naba-bash sila, he said, “it happens to all celebrities, there’s nothing to do about it.”

Hindi siya naaapektuhan?

“No,” maikli niyang sagot.

Si Nadine naman, ano ang masasabi niya sa mga nagsasabing may sex scandal si James?

“Parang alam ko naman po lahat, wala naman po. But really, tatawanan ko na lang din po ‘yan,” natatawa nga niyang sabi.

Eh ‘yung comment na hindi naman siya mahal ni James?

“Eh bakit niya alam? Siya ba si James?” balik-tanong ni Nadine.

Natanong din ang dalawa kung bakit Team Real ang title ng libro at kung wala ba itong parinig or pasaring na sila lang ang real at ‘yung ibang loveteam ay hindi.

“I think, it was before the fans would say, “it’s just real”, “it’s just for real”, so that was really pertaining to us, we’re not really talking about anyone else. It’s really for the fans,” say ni James.

Ayon sa young actor, binigyan daw sila ng choices na puwedeng i-title sa book at Team Real ang napili nila.

Pero walang nagawa nang malason

Xian takot sa karayom!

Magaling na si Xian Lim mula sa pagkaka-ospital kamakailan sanhi ng food poisoning. Nakapag-guest na nga siya sa Tonight With Boy Abunda na inere last Thursday night kung saan ay ikinuwento niya ang nangyari.

“I was eating, tapos after mga 15-20 minutes – medyo nakakatakot nga, eh after 15-20 minutes, bigla na lang akong nag-shutdown. Parang bigla na lang umikot ‘yung paningin ko, tapos suka na lang ako nang suka,” kuwento ni Xian. Aminado rin ang aktor na natakot siya sa pagkaka-ospital.

“Takot ako sa hospital. A hospital is the last place I would go to, takot talaga ako sa needle. Sabi ko, ‘hindi ko ‘to kaya pero I really couldn’t bring myself home.”

Hindi matukoy ni Xian though kung ano ba talaga ang partikular na pagkaing naka-poison sa kanya.

“Ang dami ko kasing kinain, there’s a lot of things na sabi nila puwede, sabi nila over fatigue, I ate raw eggs, sabi nila, ‘you just have to slow down’,” he said.

Kaya, ang ending, ang last date raw nila ni Kim Chiu ay sa hospital.

Geoff nakaabang na ang mga gagawin sa Kapamilya

Pumasok na nga si Geoff Eigenmann sa Be My Lady bilang isang masungit na doktor na si Dr. Joselito Mariano at magiging threat sa pagmamahalan nina Phil (Daniel Matsunaga) at Pinang (Erich Gonzales).

Maganda ang feedback ng mga manonood sa pagpasok ni Geoff dahil mataas pa rin ang ratings ng BML at mas nakakaaliw ngayong may pagseselosan na si Phil.

Maganda rin ang pag-welcome kay Geoff ng dati niyang tahanan dahil ang dinig namin, after his stint sa BML ay naka-line-up na ang teleseryeng ibibigay talaga sa kanya.

Before GMA 7 ay una namang naging Kapamilya si Geoff at kasama noon sa Ang TV. His biggest break sa network came nang ipareha siya kay Heart Evangelista sa seryeng Hiram.

In 2009 ay lumipat siya sa GMA 7 and after seven years, heto na nga at nagbabalik-Kapamilya na ang aktor.

Prior to BML ay napanood na rin siya sa Ipaglaban Mo recently.

Umalma sa pagbubuntis ng GF Matteo hindi pa nakakaiskor kay Sarah!

Itinanggi na ni Matteo Guidicelli ang usap-usapang buntis ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

“Nakarating nga sa akin ‘yung balita and buntis daw siya,” pahayag ni Matteo sa panayam ng ABS-CBN News.

“That’s not true at all,” paglilinaw ng aktor.

Ayon pa kay Matteo, nagiging masasakitin lang daw lately ang girlfriend.

“She was just feeling really bad the past few weeks like fever or something pero nothing serious. She just needs to rest,” he said.

Matatandaang una nang itinanggi ng manager ni Sarah na si Boss Vic del Rosario of Viva na buntis ang alaga. Aniya sa kanyang panayam recently, paano raw mabubuntis si Sarah eh virgin pa ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with