^

Pang Movies

Nova V. bilib na bilib kay Michael V.

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mataas ang paghanga ng veteran actress na si Nova Villa sa kanyang co-actor na si Michael V.

Sabi ni Nova, napaka-marespeto at pamilya ang turing sa kanila ng magaling na comedian. “Humble na tao siya eh, he’s very good. He always makes us laugh, talagang comedian. At the back of the camera talagang comedian siya. Tawang-tawa talaga kami sa kanya so at home ka,” dagdag ng magaling na komedyante. “Mataas ang pagtingin namin (sa kanya) kasi aside from co-actor, he’s the writer at tsaka creative director,” ani ng veteran actress.

Sef naiilang tumingin sa mga naka-bikini

Inuulan ng proyekto ang GMA Artist Center star na si Sef Cadayona. Hindi pa man umeere ang Laff, Camera, Action! na kinabibilangan niya ay magiging bahagi naman siya ng sexy comedy program na A1 Ko Sa ‘Yo.

Sa nasabing programa ay gagampanan ni Sef ang isang maloko at playboy na photographer. Aniya, nahihirapan daw siya sa character niya dahil pulos magaganda at sexy ang kanyang nakakasama sa eksena. “Hirap na hirap nga akong gawin ‘yun e. Nakakailang lang kasi ang daming naka-bikini. Kaya madalas nakatingin lang ako sa baba. Sana mapanindigan ko siya. Hirap talaga,” natatawang kwento ng komedyante.

Kayanin kaya ni Sef ang schedule? May Bubble Gang pa siya at minsan guest pa siya sa Sunday PinaSaya.

Sheena ibubuko ang tunay na pagkatao

Mukhang kakaiba ang pasabog ni Kapuso actress and comedian Sheena Halili ngayon. Dahil sa pinakabagong comedy game show ng GMA na Laff, Camera, Action! nais niyang ipakita sa mga viewers ang tunay na personalidad niya bilang Sheena Halili—makulit, witty at hyper. Aniya, kakulitan at kakwelahan ang baon nila sa bawat taping ng programa. “Simple, kasi ang hiningi lang naman ng show noong sinabi nila na kami ni Betong ang magho-host, ay kung sino si Sheena Halili. Dahil nga po hindi ito scripted at pakiramdam ko po ay dahil lang naman sa personality namin kaya kami napili. So ayun po, asahan nila ang tunay na Sheena, tunay na ako dito sa show na ‘to,” sabi ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with