^

Pang Movies

Jaclyn hindi pa nakakatulog mula sa Cannes!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jaclyn hindi pa nakakatulog mula sa Cannes!

Gastos ng Cannes Festival Committee ang pagdalo roon ni Jaclyn Jose at ilang entourage ng entry niyang Ma’Rosa na dinirek ni Brilliante Mendoza. Tatlong araw ang inilaan niya para sa nakalagay na itinerary kaugnay ng festival at ‘yung ilang araw ay free days nila.

Hindi nga lang alam ng best actress winner ng international filmfest kung kelan ilalabas sa bansa ang pelikulang nagbigay sa kanya ng karangalan bilang kauna-unang Pinay na nagwagi ng best actress sa Cannes.

“Hindi niya maisip kung isasali sa MMFF (Metro Manila Film Festival sa December 25) o kung isasali pa sa ibang festivals abroad. Hindi puwedeng public viewing, ‘di ba?” sabi ni Jaclyn habang isinisingit ng pagsubo ng pagkain dahil ginutom sa presscon ng A1 Ko Sa ‘Yo, ang kanyang karagdagang programa sa GMA 7.

Ayon sa award-winning actress, simpleng-simple lang daw ang acting na ipinamalas niya sa movie. Kaya naman hindi niya ini-expect na makukuha niya ang grand slam best actress sa local-award giving bodies.

“Iba naman ‘yung sa award-winning bodies dito. May iba rin silang hinahanap. Hindi naman ibig sabihin na nanalo ako eh, grand slam na ako rito,” rason ni Jaclyn.

Hindi nga lang nalaman ni Jaclyn na viral ang lahat ng videos niya sa social media. “Wow! Talaga?” tugon niya.

“Kasi nu’ng oras na nanalo ako, wala akong telepono,” dugtong pa niya.

So nagtaas na siya ng presyo sa talent fee?

“Naka-contract ako eh!” tugon niya.

Okey na siya sa ginawang welcome ng GMA. Pati guwardiya sa gate ay sumaludo sa pagdating niya sa network.

Wala pang tulog si Jaclyn mula nang umalis sa France para bumalik sa Maynila.

“Hanggang Biyernes pa ito. Tulog ko Sabado pero iti-treat ko pa ang family ko kaya sa Linggo ko na ito itutulog!” sey niya.

May na-taped naman daw siyang episodes sa afternoon drama niya na The Millionaire’s Wife kaya next week pa siya magti-taping. Eh, nagkataong winner din si Sid Lucero, stepson niya ng Best Actor Award sa Los Angeles Comedy Film Festival kaya pinaabangan niya ang episodes nilang nagawa.

“Kami kasi ni Sid before, nag-i-indie rin so we go by our instinct. Kasi sinisigurado ko sa viewers ng Millionaire’s Wife, magugustuhan nila. Pag nagtrabaho kami ni Sid, parang nagtrabaho kami ni Coco (Martin),” diin niya.

Ang naging maganda sa acceptance speech ni Jaclyn, hindi niya nakalimutang banggitin ang ating bansa. “May Filipino audience akong naririnig na nagsasabi ng, ‘Mabuhay ang Pilipinas!’” sabi ng aktres.

May nakuha na rin daw siyang tribute mula sa isang international film festival. “Pero dinedma nila!” katwiran ni Jaclyn.

Gayunpaman, komo biggest winner si Jaclyn ng 2016 Cannes Filmfest, everybody loves a winner!

Regal may bagong paandar sa Tanga Na

Patalbugan sa pagiging “babae” sina Eric Quizon, Martin Escudero, Kean Cipriano, Jerald Napoles at Billy Crawford sa eksena nilang naka-bathrobe at may mudpack sa pisngi sa Regal movie nilang That Thing Called Tanga Na.

Take note na parehong pink ang bathrobes nilang suot at hindi agad sila makikilala kung hindi pamilyar ang mukha nila sa inyo.

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan at transgender ang kanilang roles.

Sa isang banda, nagsimula nang mag-shoot si Direk Enzo Williams ng una niyang movie sa Regal. Kung hindi kami nagkakamali, ito ay ang The Escort nina Derek Ramsay at Lovi Poe. Pero sa first day shoot, kinunan muna ang eksena ng ex-lovers na sina Jean Garcia at Rommel Padilla.

Ang ilan pang movies na sinu-shoot ng Regal ngayon ay ang Our Mighty Yaya ni AiAi delas Alas at ang I Love You To Death nina Echong Dee at Kiray Celis.

vuukle comment

DROUGHT

EL NIñO

KIDAPAWAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with