^

Pang Movies

Derek puring-puri si Shaina!

Jun Nardo - Pang-masa

Walang kinalaman ang mga ex-lover nina Shaina Magdayao at Derek Ramsay para pagsamahin sila ng Quantum Films sa romantic-comedy na My Candidate. Never daw nilang napag-usapan ang tungkol sa nakaraang sitwasyon nila.

“We don’t even talk about it. I am just actually happy na may Quantum Films na nagbibigay ng ganitong opportunity for me to work with other actors. Kasi I don’t think this will ever happen in a teleserye because we’re from different networks.

“So it’s really nice na may ganitong venue kami para makapagtrabaho together. But hindi po namin napag-uusapan ‘yan,” paliwanag ni Shaina sa presscon ng movie.

Matagal nang gustong makatrabaho ni Derek si Shaina. May offer na sa kanilang gumawa ng movie noon pero hindi nga lang natuloy.

“Ngayon lang ito natuloy. She’s a brilliant actress. I don’t know why she hasn’t been given a break ‘til now. She’s a very versatile actress. Dito, she’s really funny! She was put in a position she’s not used to. Hindi naman hip hop itong tao,” sabi ni Derek.

First time rin niyang makatrabaho si Iza Calzado. Sabi niya, “Siguro she is the most intense actress I’ve worked with. Grabe siya ka-intense the way she prepares for the scene. Talagang she’s in one corner preparing. I haven’t seen anything like it.

“Siguro if I were to compare her na ganoon ka-intense mag-prepare, it would be the Diamond Star (Maricel Soriano)! Ayokong mapahiya. Working with her is amazing experience!” pahayag ng aktor.

Hindi ang tatlong lead stars ng mahusay sa movie. Winner na winner din ang mga eksena nina Ketchup Eusebio, Nico Manalo at baguhang sina Happy at Jay.

Mapapanood na sa Mayo 11 ang My Candidate na idinirek ni Quark Henares after five years na pamamahinga!

Isko aminadong ‘pinagpala’

Tinatawanan na lang ni Isko Moreno ang muling paglutang ng sexy photos niya ngayong panahon ng kampanya. May caption nga ang pic niya na Ang Pambasang Ulam sa Senado, huh!

‘Yung pictorial daw niyang ‘yon ay request ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano kaya hindi niya natanggihan mag-pose ng sexy.

“Two days ago, I think somebody created a new account. Collection ‘yun ni Tito Dougs.

“Ewan ko ba kung bakit tuwing halalan, inilalabas ‘yun! Dati poster lang eh, ngayon digital na rin ang paninira eh! Ha! Ha! Ha! Nilalabas ko ‘yon sa Facebook.

“Ganito po. Hindi ko po ikinahihiya ang pag-aartista ko. In fact, ‘yan po ang isang bagay na nabigyan ako ng pagkakataong maiahon ang sarili ko. At dahil sa inyo, at dahil sa ating manonood, nagtagumpay naman ako sa showbiz industry at utang na loob ko ‘yan sa inyo.

Mabigat man ang labanan sa Senado, umaasa si Isko na mabibigyan siya ng publiko na makapagsilbi bilang Senador nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with