^

Pang Movies

Napagod na Heart ayaw nang pumatol sa bashers!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bagay nga kay Heart Evangelista-Escudero ang salitang “grace under pressure”.

Kahit na sobrang ngarag na siya dahil sa maraming hinaharap niyang mga tao araw-araw, nananatili pa ring fresh at walang bahid ng pagod ang hitsura niya noong humarap siya sa entertainment media para sa press conference ng teleserye nila ni Dennis Trillo na Juan Happy Love Story.

Ayon kay Heart, hindi lang daw ang pagbiyahe niya sa kung saan-saan sa Pilipinas ang nakakapagod kundi pati na rin ang pamba-bash sa kanya sa social media dahil sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero na tumatakbong vice president.

Pero idinadaan na lang ni Heart ang lahat sa pagngiti at ginagawa na lang daw niyang positive ang lahat.

“Life is too short. Mahirap na ‘yung makunsume ka sa mga batikos ng mga tao sa social media.

“Noong una nakakainis talaga, pero in the long run, sino ba ang mapapagod? Sila rin, ‘di ba? Kaya ako pinapabayaan ko na lang. Ayokong ma-stress.

“I learned not to read anymore. Mas madaling mag-block kesa sa makipag-away.

“Tsaka nakakapanget ang stress, ‘di ba? Kaya happy lang tayo. Ayokong tumanda agad!” sabay tawa pa ni Heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with