^

Pang Movies

Para mabuhay ang career, Rhian susubok ng iba

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Walang balak si Rhian Ramos na iwanan ang GMA Network, kaya muli siyang pumirma ng ano­ther three-year exclusive contract bilang Kapuso, kasama ang manager niyang si Ronnie Henares sa harap ng mga executives ng network headed by GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon.  Ten years na palang contract star ng network si Rhian.

 “I’m happy to continue a great relationship with the company,” sabi ni Rhian.  “It’s pretty much my family.  Dito na ako lumaki.  And I welcome any role or project na ibigay nila sa akin.  I’m very excited to give my best this year.  As you get older, mas na­gi­ging mature ka and mas maraming naiintin­dihan. Mas marami akong maibibigay ngayon in terms of acting kumpara when I started.”

Huling drama series na ginawa ni Rhian ang The Rich Man’s Daughter na na-in love siya sa isang lesbian. 

Kaya excited na si Rhian na magsimula ng bago niyang project na sabi’y susubukan naman kung pwede siyang magpatawa tulad ng mga paboritong rom-com series na ginagawa ngayon ng GMA 7.

AlDub at dabarkads, hindi na-edit

Hindi naman binigo ng producer ng 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Men­­doza Memorial Scholarship Foundation ang AlDub Nation nang i-replay ang kabuuan ng awards night sa ABS-CBN last Sunday evening at napanood ang mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza na tumanggap ng lahat ng awards nila at narinig din ang kanilang mga thank you speeches, ganoon din sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na kasama nila sa kalyeserye ng Eat Bulaga.  Ang hindi lamang nila napanood ay ang mga behind the scenes tulad ng five kisses na ni-request ng host na si Maja Salvador kina Alden at Maine matapos tanggapin ni Alden ang kanyang 5-times platinum award ng album niyang Wish I May.

Mikoy at Thea noon pa may something

Medyo nagulat ang mga kaharap ng entertainment press ni Mikoy Morales bago ang launch niya ng kanyang bagong single na Ang Pusong Hindi Makatulog dahil inabot siya ng three years bago niya natapos ang song, bakit?

 “Marami po kasing ibig sabihin ang song,” sabi ni Mikoy sa launch na ginanap sa The Music Hall sa Metrowalk, Pasig City.  “It’s missing somebody, about broken hearts, iyong hindi ka makatulog gabi-gabi dahil may iniisip tayong mabigat.  Ilang beses ko siyang binalik-balikan para tapusin.  Gusto kong makuha iyong tamang lyrics ng song.  Siguro, kinailangan ko lamang ng tamang inspiras­yon, nang dumating siya, nabuo ko na ang song.”

Biniro tuloy ng mga kaharap kung si Thea Tolentino na sabi’y ka-MU (mutual understanding) na niya noon pa?  Hindi na naman nag-comment si Mikoy.  Present sa launch si Thea at mga kaibigang sina Jeric Gonzales at Joyce Ching.  Basta ang single niya ay magiging part daw ng EP (Extended Play) ng album na ginagawa niya ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with