^

Pang Movies

Tax ng foreign singers bagsak ang halaga, hindi pa alam kung saan napupunta!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa wakas, umamin din si Lea Salonga na ma­ging siya ay nakaranas ng discrimination sa US. Nang mag-audition siya diumano para sa isang role sa My Fair Lady, sinabihan siyang hindi siya puwede sa mga role sa nasabing musical dahil siya ay isang Asian. Iyon, sabi nga ni Lea, ay sa kabila ng katotohanang noon ay nanalo na siya ng Tony Awards.

Naranasan na rin naman iyan ng ibang mga ar­tist natin. Sa isang biyahe nga namin, nakita namin sa record bar ang CD si Gary Valenciano, pero nakalagay iyon sa isang sulok, kasama ng mga CD ng mga artist na hindi kilala at kung saan-saan lamang galing. Kasama siya noong mga CD na hindi mabili.

Isang magandang halimbawa pa si Nora Aunor. Iyong kanyang sinasabing performances noon, naroroon lamang sa mga maliliit na venue na ang nanonood ay mga “old timers”, meaning iyong mga matatanda nang Pinoy doon. At nakita naman ninyo kung ano ang naging treatment sa kanya nang mahulihan siya ng droga sa airport. Kung dito iyon baka kahit na papaano, hindi naman ganoon ang magi­ging treatment sa kanya.

Mayroon pa ngang mga artistang Pilipino na “na-A to A”. Meaning hanggang airport lang sila at pinabalik sa Pilipinas nang matuklasang gagawa sila roon ng isang show, samantalang dumating sila nang may tourist visa lamang at walang working permit.

Pero dito sa atin, tinatanong ba natin iyang foreign performers kung mayroon silang wor­king permit kung may mga concert sila dito sa Pilipinas?

Hindi ba ang nangyayari pa nga ay binabawasan pa nang malaki ang ibina­bayad nilang amusement tax, habang kung Pinoy ang may concert, dusa sa pagbabayad ng malaking tax. Alam namin sinisingil din sila ng equity ng OPM, hindi lang namin alam kung magkano ang nasisingil at kung saan napupunta iyon. Kasi kung may mga member sila kagaya ni Richard Merck na biglang nangailangan, kailangan pang gumawa ng isang fund raising concert.

Talagang sobra ang discrimination, pero walang magagawa laban diyan iyong sadyang nagpapa-alipin sa discrimination.

Richard naalala sa ibang host

May nabasa kaming comment na kung saan ikinukumpara ang game show hosting style ni Richard Gomez laban sa ibang hosts. Maganda naman ang sinabi nila na mas magaling daw si Goma at walang panama sa kanya ang mga gumagaya lang.

Pero sa palagay namin, walang point of comparison. Una, mas sanay naman kasi siya dahil sa kanyang mahabang karanasan sa hosting. Ano nga ba ang ilalaban sa kanya ng mga bago?

Ikalawa, ang nangingibabaw ‘pag nakikita ng mga tao si Goma ay iyong kanyang matinee idol image. Hindi na kailangang magsalita ni Goma eh, makita lang siya ay ok na sa tao.

Si Goma, kung sabihin nga nila, parang iyong isang brand ng toothpaste na kahit na ibang brand na ang nabili, iyon pa rin ang tawag ng mga tao. O iyong isang brand ng refrigerator, ngayon ay wala na pero iyon pa rin ang tawag nila sa mga bagong refrigerators.

Umiba na rin naman ng linya si Richard Gomez, pero ang tingin ng mga tao siya pa rin dapat ang game show host at siya pa rin ang hinahanap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with