^

Pang Movies

Giyera nina Cesar at Sunshine sa social media, walang tigil!

Jun Nardo - Pang-masa

Hindi pa rin tapos ang bangayan sa publiko ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz lalo na’t nag-post ang aktor sa Instagram account niya ng tatlong tseke na ibinayad niya sa tuition fees ng tatlong anak na babae.

May bumatikos at may pumuri sa ginawa ni Cesar. Pero palaban si Cesar sa pagsagot sa bashers at haters niya, huh! Eh na-tag kasi sa post niya ang kaibigang columnist na si Dolly Anne Carvajal at ang manager-writer niyang si Shirley Pizzaro.

Heto naman ang magkasunod na tugon ni Cesar sa bumatikos sa kanya:

“Yaannnn eto na, lumabas na ang mga tina­maan ng magaling! …Cge banat! Ano pa? Ahhh ayaw niyo ng reporter. Sandali lang…Sunset ikaw bayan? Miss mo na ba ko? Miss na rin kita. Lol” isang tugon ni Cesar. Naging Sunset na tuloy si Sunshine, huh!

Heto naman ang tugon ng aktor sa isang shine_shyn na naglabas ng, “I’m proud of you @cesar_mon­tano. Hindi naman talaga kaplastikan yan.”

Cesar : “@shine_shyn Hwag mo pansinin yan ugok @stylenstich nayan. Papasikat lang yan. Takot yan nakatago sa private account niyang walang laman. Tapos babalik at gagawa nan man ng ibang account.”

Sa interview naman ng PEP kay Sunshine, natatawa na lang daw siya sa drama ng dating asawa. Maging ang mga anak nila ay hindi rin affected sa ginagawa ng ama.

“They are still thankful for the educational support being given to them by their father,” saad ni Sunshine.

Hay kung sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ay ceasefire muna sa bangayan nila, mukhang matatagalan pang matupad ito kina Buboy at Shine, huh!

Aga hulog ng langit ang tingin kay Charlene

Answered prayer para kay Aga Muhlach ang mapa­ngasawa niya si Charlene Gonzales. Isang kuwento ang ibi­nahagi ni Aga sa social media account niya bilang pagbati sa 42nd birthday ng asawa.

Sa post ni Aga, inalala niya ang oras na nasa ospital bed ang inang si Anita ilang araw bago pumanaw. Handa na raw ang ina na mawala dahil nakita na niya ang babaeng hihigitan ang pagmamahal niya sa anak at si Charlene nga ‘yon.

“Si Charlene ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo. Huwag mo siyang pababayaan! Habang buhay kang magpapasalamat sa mahal na Panginoon!” bahagi ng bilin ng ina kay Aga.

Sinegundahan naman ito ni Aga ng madamdaming pagbati sa asawa.

“My love, you really are God’s greatest gift to me and our children. I know you hate this photo I took of you! Haha! But the real beauty that’s inside you is what comes out on this one! You’re really beautiful inside and out. Happy birthday my love! God bless your good heart more and more. You really are an answered prayer. Stay the way you are! Cheers! Like I would always tell you, ‘It just gets better!!! Happy birthday b!!”

Taong 2001 nang ikasal sina Aga at Charlene. Biniyayaan sila ng kambal na anak, sina Atasha at Andres.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with