^

Pang Movies

Carla never nagka-isyu sa MTRCB

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nga raw nahirapan na idirek ni Adolf Alix ang magdyowang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez para sa anniversary episode ng Karelasyon.

First time kasing idirek ni Direk Adolf ang isang showbiz couple at natuwa siya dahil very cooperative ang dalawa. “Hindi ako madalas makapagdirek ng mga taong may totoong relasyon. May kasabihan nga na you don’t work with the people you have a relationship with kasi baka magkaroon ng problema.

“But with Carla and Tom, cool silang dalawa. They listen to one another at nagbibigayan sila.

“It’s my first time to work with Tom and he is a good actor. He gave me more than what I expected from him.

“With Carla naman, she surprised me. Host lang namin siya sa Karelasyon. Noong sabihin namin na siya ang magbibida sa anniversary episode, she really prepared herself.

“Itong episode nila na Live-In (episode) is one of the best episodes I’ve done for Karelasyon. It’s written talaga for both Carla and Tom.”

Dahil sa kakaibang stories ng Karelasyon, ini-expect ni Direk Adolf na magkakaroon sila ng issue with the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Pero nakaisang taon na sila at wala silang natatanggap na memo mula rito.

“May responsibility kami sa mga televiewers and since nasa ilalim kami ng GMA News and Public Affairs, we want each episode to be safe for public viewing,” pagtapos pa ni Direk Adolf Alix.

Jackie Rice piniling pasayahin ang matatanda sa kanyang birthday

Imbes na magkaroon ng isang bonggang party, nag-share na lang ng kanyang blessings ang Kapuso sexy actress na si Jackie Rice sa mga pasyente ng Samaritan Nursing Home for the Elderly.

Naisip nga ni Jackie na mag-charity event na lang siya sa kanyang kaarawan noong nakaraang April 26. Tutal ay hindi naman daw siya mahilig mag-party at mas gusto niyang makapagsaya ng maraming mga tao, lalo na ang mga lolo at lola.

“Masaya at sobrang thankful ako sa blessings na ibinibigay sa akin ni Lord.

“Noong bata kasi ako, madalas akong pumupunta sa bahay ng grandparents ko. Naaalala ko sila kapag nakakakita ako ng mga lolo at lola. Kaya sila ang napili kong pasayahin noong birthday ko,” ngiti pa ni Jackie.

Kaya naman blessed na blessed si Jackie sa kanyang career. Napapanood siya sa Bubble Gang at sa Naku Boss Ko.

Busy rin siya sa kanyang restaurant business. Kapag wala raw taping si Jackie ay lagi siyang nasa pares restaurant nila ng kanyang boyfriend na si Andrew Lopez.

Successful nga ang negosyo nila kaya naiisip nilang magtayo ng isa pang branch.

Isang Japanese restaurant nga ang naiisip nilang itayo pero pag-aaralan pa raw ni Jackie muna ang pag-prepare ng mga Japanese cuisines.

Naiwang yaman ni Prince, hindi pa alam kung saan mapupunta

Wala palang naiwan na last will and testament ang yumaong music artist na si Prince.

Ayon sa kapatid ni Prince na si Tyka Nelson, nag-file na ito sa korte ng “special administrator” para may ma-appoint sa pag-handle ng mga maiwan na estate ng yumaong singer.

Bukod kasi sa music catalog ni Prince na nagkakahalaga ng $500 million, kasama sa dapat i-administer ang mga song na isinulat niya para sa ibang artists tulad kina Sinead O’Connor, Bangles, Carmen Elektra, Sheila E., Apolonia 6, Madonna at marami pang iba.

Nariyan din ang malaking Paisley Park grounds kung saan matatagpuan ang recording studio at iba pang pag-aari ng late singer-songwriter.

Nagkakahalaga nga ang assets ni Prince ng higit sa $1 billion.

May limang kapatid pa si Prince at magiging malaking issue ang hatian sa naiwan niyang yaman.

Noong mabalitaang patay na si Prince, lalong bumenta ang mga albums niya. May 580,000 albums sold from the time na namatay siya.

Ikinasal at na-divorce ng dalawang beses si Prince at hindi siya nagkaroon ng anak.

Natagpuang walang buhay si Prince sa loob ng elevator ng kanyang Paisley Park studio noong nakaraang April 21.

Ang cause of death ng 57 years old singer ay hindi pa nailalabas, pero malaki ang hinala na may kinalaman ang mga iniionom nitong mga pain killers at ibang drugs dahil may iniinda pala itong sakit mula sa isang hip surgery na ginawa sa kanya ilang taon nang nakakaraan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with