^

Pang Movies

Kahit anong imbita female celebrity pinandidirihan puntahan ng mga kaibigan

Jun Nardo - Pang-masa

Umiiwas ang ilang kaibigan at kakilala ng isang female celebrity sa invitation niyang pasyalan siya sa kanyang bahay bakasyunan. All-expenses paid naman at walang gagastusin kahit isang kusing ang mga pupunta.

 ‘Yun nga lang, kailangan nilang sumunod sa seremonyas ng personalidad bago sila kumain at bago matulog, huh!  Sandali lang daw naman ‘yon pero ayon sa nakabalita, aabutin ng gutom at antok ang mga naimbitahan na ng personalidad sa lugar niya, huh!

No wonder, kahit anong ipaabot na imbitasyon ng female celeb, no way talaga ang tugon sa kanya dahil sa kakaiba niyang ugali, huh!

Giselle ni-research si Grace bago lumarga sa kampanya

Personal na kinausap ng komed­yanteng si Giselle Sanchez si Senador Grace Poe bago sumagot na siya ang maghu-host sa mga campaign sorties niya. Very visible kasi ang komedyante sa rallies ng senadora sa mga probinsiya na hindi naman niya ipinagkakailang meron naman siyang honorarium na tinatanggap na mas maliit sa usual talent fee niya.

“Nu’ng una, sa totoo lang, hindi ko pa alam kung sino ang iboboto ko. So nu’ng in-ask nila ako to campaign for her, nag-research muna ako. I need to be a believer before I endorse formally.

 “Kasi hindi ako..Kasi UP din tayo, hindi tayo basta mag-e-endorse nang hindi ko iboboto. Parang kadiri. In fact, I said no to a May 7 show sa New York because I want to vote on May 9. Kasi kung magsu-show ako sa New York ng May 7, hindi ako makaka-vote. Para saan pa itong pangangampanya ko.

 “So nalaman ko sa research ko, lahat ng senatoriables niya, kumbaga, ‘yung napupusuan niyang maging sekretaryo sa gobyerno, kinausap niya. Sabi niya, ‘Kung saka-sakaling mananalo tayo, pangako mo sa akin at sa Diyos ngayon din, na hindi ka magnanakaw!’

“So ngayon ko lang na-realize na meron palang gobyernong may puso. Kasi ‘yung iba, kaya sila tumatakbo, meron silang sariling future interests either in business or in their personal gain.

“Pero ito (Sen. Poe), gusto niya talagang makatulong. Kasi kung tutuusin, okey na naman siya. Maganda na ang buhay nila. Pero bakit niya ito ginagawa? It’s really for the Filipinos and to continue her father’s dream na hindi nagkatotoo!

“Ako, I’m backing her because I believe na she can really have a change. She can make a change for this country. So pag pinangako niya, ibig sabihin, takot siya sa Diyos at importante sa atin na takot sa Diyos ang ating susunod na presidente!” paliwanag ni Giselle nang aming makausap sa set ng Tasya Fantasya ng TV5 at Viva Communications.

Sa totoo lang, bihirang lumabas sa TV series ni Giselle. Pero dahil sa request ng Viva na lumabas siya sa TV dahil bihira na siyang mapanood, tinanggap niya ang fantaserye na pinagbibidahan nina Shy Carlos at Mark Neumann.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with