^

Pang Movies

Kahit nahuling naghahalikan, Julian tropa lang ang tingin kay Kylie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Julian Trono nang sabihin nito na wala silang relasyon ni Kylie Padilla, ang co-star niya sa Buena Familia na nali-link sa kanya.

Super-deny rin si Julian sa tsismis na caught in the act sila ni Kylie Padilla na nag­hahalikan sa set ng afternoon soap nila sa GMA 7. May hamon pa siya na pangalanan ang tao na diumano’y nakahuli sa kanila ng dalaga.

Karapatan ni Julian na mag-deny pero sumusumpa ang source ng balita na nagkaka­mabutihan sila ni Kylie.

Sa kabila ng denial ni Julian, hindi kumbinsido ang mga reporter na nakausap niya at naniniwala na walang masama kung magkagustuhan sila ni Kylie dahil parehong mga single ang dalawa.

Na-corner si Julian Trono ng mga reporter sa presscon kahapon ng One Heart, ang all-star charity album ng GMA Records na magiging available sa Valentine’s Day.

Ang Kapuso Foundation ang beneficiary ng album sales ng One Heart.

Featured artist si Julian sa album ng GMA Records na kinabibilangan din nina Gabbi Garcia, Betong Sumaya, Kylie Padilla, Kristoffer Martin, Ruru Madrid, among others.

Buena Familia, extended pa

Extended hanggang sa susunod na buwan ang Buena Familia kaya rejoicing ang cast at production staff ng afternoon soap ng GMA 7.

Martin napagod na sa pagdi-deny ng nude photos

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung makakaapekto ba sa Buena Familia ang admission ni Martin del Rosario na siya ang mhin sa nude picture na kumakalat.

Si Martin ang leading man ni Kylie sa Buena Familia. Napagod na yata si Martin sa pagde-deny kaya inamin na niya ang katotohanan, for the first time.

Bitin nga lang ang pag-amin ni Martin dahil may drama siya na hindi niya alam kung kailan at saan nangyari ang lihim na pagkuha sa kanya habang naghe-hello si Tweety bird.

Nag-promise si Martin na magiging maingat na para hindi na maulit ang insi­dente pero huli na ang lahat dahil forever nang makikita sa Internet ang kanyang nude picture. Ano ang moral of the story?  Palaging magsuot ng salawal para hindi mabosohan at hindi magkaroon ng scandal.

Edu hindi tumitigil sa pag-iikot

Alam na ng mga kababayan natin sa buong Pilipinas na kumakandidatong senador si Edu Manzano dahil masipag siya na mag-ikot sa mga probinsya na malalayo.

Na-sight si Edu kahapon sa Umingan, Pangasinan  at talagang  nagkagulo ang mga tao nang malaman nila ang presence niya.

Sumugod ang buong barangay at nakinig sa mga sinabi ni Edu na top priority ang Pamilyang Pilipino at pagkakaroon ng mga trabaho ng mga kababayan natin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with