^

Pang Movies

Kahit kilalang mga artista ang bida isang pelikula nagsayang lang ng kuryente

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi naging maganda ang kapalaran sa mga sinehan ng isang pelikula dahil na-pull out ito at ang kawalan ng audience ang dahilan.

Sa isang movie house naman, dalawang beses lamang sa isang araw ang screening ng pelikula na tinutukoy ko.

Hindi masisisi ang theater owners na i-pull out o bawasan ang screening ng pelikula dahil luging-lugi sila sa kuryente.

Mahirap talaga na matantiya ang panlasa ng Pinoy moviegoers dahil mapili sila sa mga pelikula na panonoorin, kahit mga kilalang artista ang mga bida.

Born to be… twice a week ang airing

Tuwing Sabado at Linggo pala ng gabi ang airing ng Born To Be A Star kaya hanggang kahapon, super remind si Ogie Alcasid na panoorin ang ta­lent search show ng TV5 at Viva.

Si Ogie ang host ng Born To Be A Star at co-host niya si Yassi Pressman.

Maaga ang timeslot ng Born To Be A Star dahil napapanood ito tuwing 7 p.m.

‘Isang taong malapit sa akin, may scandal din!’

Hindi ako makapaniwala na may video scandal din ang isang tao na malapit sa akin.

Hindi pa naman lumalabas o kumakalat ang video scandal pero pinag-uusapan na ito.

Saka lang ako maniniwala na sangkot sa video scandal ang somebody close to me kapag nakita ko ang ebidensya at napanood ko ang kanyang natatanging pagganap.

Tigilan na kasi ng mga artista ang mga video phone sex para hindi sila nalalagay sa kahihiyan. Kung may dapat sisihin sa pagkalat ng kanilang mga eskandalo, sila lamang dahil naging padalus-dalos ang mga desisyon at kilos nila.

Solenn, Kiray, Derek, at Kean, dinumog

Dinumog kahapon sa Market! Market! ang mga artista ng Love is Blind, sina Solenn Heussaff, Kiray Celis, Derek Ramsay, at Kean Cipriano.

Grabe ang dami ng mga tao sa Market! Market! tuwing weekend kaya ito na ang favorite venue ng mga artista na may ipino-promote na pelikula at tele­vision show.

Noong nakaraang Linggo, ang mga artista ng mga bagong programa ng TV5 at Viva ang pinagkaguluhan ng madlang-bayan.

Masusundan ang mall show ng mga artista ng Tasya Fantasya, Bakit Manipis Ang Ulap?, Born To Be A Star, Wattpad Presents, at Ang Panday dahil may mga naka-line up sila na pagtatanghal sa Ayala malls para i-promote ang kanilang mga project.

Edu nag-warning sa matinding traffic

Overacting ang traffic situation sa Greenhills La Salle noong Sabado dahil sa grand alumni homecoming ng former students.

Dumalo sa reunion ng La Salle Greenhills sina Ogie Alcasid at Edu Manzano.

Ilang araw bago naganap ang homecoming, sinabihan na ni Edu ang kanyang mga kaibigan at kakilala na iwasan na dumaan sa La Salle Greenhills sa February 6 dahil tiyak na magkakaroon ng grabe na traffic situation.

Nagpapasalamat ang mga nakinig sa warning ni Edu dahil hindi nila naranasan ang pagdurusa ng mga motorista na nabulaga sa matinding traffic sa Greenhills Ortigas area.

Aspiring senator, may napipisil na sikat na aktres

Holiday ngayon dahil sa Chinese New Year at hindi dahil birthday ni P-Noy.

Hindi uso sa showbiz press ang holiday dahil may presscon ngayon para sa isang senatorial candidate na dating opisyal ng pamahalaan.

Walang showbiz connection ang senatoriable kaya nagbabalak ito na kumuha ng celebrity endorser para madag­dagan ang popularity niya sa masa. Isang sikat at kontrobersyal na aktres ang napipisil ng aspiring senator.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with