Shows ni Bitoy, panalo sa 2016 Platinum Stallion Media Awards
MANILA, Philippines – Panalo ang dalawang programa na pinangungunahan ni Michael V. sa 2016 Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia. Nakuha ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento ang Best Value-Oriented Program award at ang longest-running gag show naman na Bubble Gang ay nakuha ang Best Gag Show award.
Samantala, malapit na rin mapanood ang Lip Sync Battle Philippines kung saan magsisilbi ring host ang Kapuso Ace Comedian. Kamakailan nga, pinost ni Michael V sa kanyang Instagram account ang itsura ng Lip Sync Battle Philippines stage at may caption pa itong “The mic is off. The battle is on.” February 27, Saturday #LipSyncBattlePH”
Miguel Tanfelix, proud sa bagong profession ni Bianca Umali
Sa recent post ng Wish I May leading man na si Miguel Tanfelix, ipinakita niya kung paano siya lagyan ng make-up ng ka-loveteam na si Bianca Umali. Proud na proud ang Kapuso actor dahil hindi lang pala artista si Bianca, pwede na rin siyang make-up artist. Sunud-sunod din ang kilig comments galing sa kanilang fans na natuwa sa pagkukulitan ng isa sa hottest loveteams ng Kapuso network.
- Latest