^

Pang Movies

Alden guwardiyado na ng handler at road manager

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Binawalan na pala ng GMA Artist Center (GMAAC) si Alden Richards na gumawa ng fan signs para sa nagri-request sa kanya.

Okey pa rin daw naman na magbigay siya ng personal video greetings dahil mas safe iyon.

Ayon sa isang executive ng GMAAC, ang fan sign daw kasi, pwedeng mapalitan ang nakasulat, iiwanan lamang ang signature ni Alden at magagamit na sa ibang paraan.

Okey daw lamang kung kilala talaga nila o ni Alden ang humihingi ng fan sign. Hindi raw lamang nila ginagawa iyon kay Alden, kundi sa iba pang ta­lents ng GMAAC.

Kaya kapag may mga show ang talents nila, may nakabantay na handler o road manager para sa requests ng fan signs.

Tama lang naman iyon dahil malapit na ang eleksyon at tiyak na maraming gagawa ng paraan na magpagawa ng fan signs tapos ay kunwari ini-endorse na sila ng nasabing artista.

May isa ngang presidentiable na nagsasabi raw na kaya niyang makuhang endorsers ang AlDub, sina Alden at Yaya Dub (Maine Mendoza), pero mali siya dahil mahigpit ang GMA Network (for Alden) at ang TAPE, Inc. (for Yaya Dub) na hindi sila pwedeng mag-endorse ng mga politician.

Kahit si Alden nga ay sinabi na niyang never siyang mag-i-endorse ng kahit sinong pulitiko.

Lani Misalucha pabebe na rin

Hindi tumangging magpabebe wave si Asia’s Nigthtingale Lani Misa-lucha kahapon nang mag-guest siya sa Eat Bulaga para mag-promote ng coming concert niya sa Friday and Saturday, Decembner 4 and 5 sa The Theatre ng Solaire Resorts & Casino in Parañaque City na The Voice of the Nightingale Best Singer of the 27th Annual Best of Las Vegas,  na very special guest niya si The Journey soloist Arnel Pineda.

Upon the request nina Pia Guanio at Pauleen Luna, ipinarinig ni Lani ang ilang lines ng isa sa mga kakantahin niya sa gabi ng concert, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Wala talagang pagbabago ang magandang boses ni Lani.

Buy your tickets now, dahil balitang almost sold out na ang dalawang gabi ng performance.

Valerie enjoy sa pagiging sosyal na malandi

Hindi namimili ng role si Valerie Concepcion, kaya kahit sa pangatlo niyang soap sa GMA 7, ang Because of You na salbahe na naman siya, hindi siya tumanggi.

Type raw naman niya ang role niya ngayon na kahit malandi siya, sosyal naman.

Sa story kasi, asawa niya si Gabby Concepcion pero iniwan niya ito para kay Carlo Gonzales, pero nang malaman naman niyang may iba nang mahal ang asawa, ayaw niyang pumayag.

“Gusto ko ang role ko rito bilang si Veronica Salcedo,” sabi ni Valerie. “Hindi sumisigaw si Veronica, kalma lamang siyang magalit, sosyal na sos­yal.”

Hindi naman itinanggi ni Valerie na may bago siyang idini-date nga­yon, isang abogado na older than her, annulled with three children at more than a year na silang nagdi-date.

Pero hindi pa raw siya close sa mga anak nito, parang hindi pa naman time na ipakilala siya ng boyfriend niya sa kanila.

Ito na kaya ang hinihintay niyang may magpapakasal sa kanya? Hindi pa rin daw niya iniisip iyon, dahil ilang beses na ring hindi natuloy sa kasalan ang kanyang pakikipagrelasyon, pero kung ipagkakaloob na sa kanya ngayon, bakit naman hindi?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNUAL BEST OF LAS VEGAS

HINDI

NAMAN

NIYA

SIYA

VALERIE

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with