^

Pang Movies

Kahit hindi kay Nadine James may karapatang lumigaya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kontrobersyal na naman si James Reid ngayon dahil sa kanyang dating fan na nag-post sa Facebook at naglitanyang hindi siya pinagbigyan ng young actor sa request niya na magpa-picture nang makita niya ito sa isang bar sa Taguig.

At dahil nga raw dito, ayon sa gay fan na may user name na Inah Evans, nagtapos na raw ang fandom niya kay James.

Ang nakatawag talaga ng pansin ni Inah ay ang rebelasyon niya na kasama ni James si Julia Barretto nang gabing iyon.

“And the fact that he’s so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time. Yes, maybe that’s why. Kulang na lang kasi mag-sex sila sa harapan namin hahahahaha. Real talk Bruh,” parte ng post ni Inah.

Katakut-takot na pangba-bash ang ina­bot ng fan mula sa mga JaDine fans pero talagang pinangatawanan niya ang kanyang kwento at talagang paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya nagsisinungaling.

Kinabukasan ay sumagot si James sa kanyang Facebook account pero binura rin niya ito pero lumabas na sa ilang websites at diyaryo kahapon.

Ayon sa screenshot ng post ni James na lumabas sa mga showbiz website, “Give me a break. Does anyone really think I would have sex in a bar/public place. . .Stupid. If everyone wasn’t so gullible I wouldn’t have to be explaining my private life right now. Cut the bull­shit. Stop the hate.”

Sumagot naman agad si Inah sa Instagram at say niya, wala naman daw siyang sinabing nakipag-sex si James at ang say daw niya ay “kulang na lang makipag-sex sila”.

Anyway, kung kami ang tatanungin, walang masama na makitang may ka-date na iba si James dahil alam naman nating lahat noon pa na he’s single at magkaibigan lang sila ng ka-loveteam niyang si Nadine Lustre.

Kahit naman ang JaDine fans ay alam ‘yan kaya nagtataka lang kami kung bakit ikinaloka nila kung totoo ngang nakita ang young actor with another girl.

Kung kami pa rin ang tatanungin, hindi na dapat pinalaki pa ng JaDine fans ang issue at i-wish na lang nila sana ng hapiness ang idol nila. James deserves to be happy, anyway. Eh kung kay Julia siya happy, dapat maging happy rin sila.

Advice naman namin kay James, if true, huwag nang deny nang deny. Pero siyempre, ibang usapan naman kung hindi totoo. By all means, he should speak up kung hindi naman totoo.

LGBT malakas kay HB

Tuluy-tuloy pa rin ang suporta ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgender) community and in fact, sa Dec. 5, 2015 ay gaganaping muli ang isa sa proyekto ng itinatag niyang QC Pride Council, ang QC Pride March na ngayon ay nasa ikalawang taon na.

Ang theme this year ay Magkakaiba at Nagkakaisa at kung last year ay sa QC Memorial Circle ginanap ang 1st QC Pride March, this year ay sa Tomas Morato.  Of course, inaasahang dadaluhan ito lahat ng miyembro at grupo ng LGBT community nationwide. Nag-imbita rin sila ng ilang celebrities at isa na si Aiza Seguerra sa nagpahayag ng kanyang suporta gayundin si Boy Abunda.

Magkakaroon ng parada, LGBT fashion show at magbibigay din ng awards tulad ng Unkabogable (Best) Float, Most Number of Contigents and other special awards.

Pagkatapos nito ay magaganap naman ang much awaited jungle party.

Komedyanteng si Dinky Doo, yumaman sa siopao

Nakabangon na pala sa pagkakadapa ang ko­medyanteng si Dinky Doo, Jr. Taong 2009 nang magkaroon siya ng severe arthritis at maging bedridden. Na-feature pa siya sa Wish Ko Lang at tinulungan naman siya ng GMA 7.

Just last year, ayon kay Dinky ay walang-wala siya. Dahil sa sakit niya, dumating pa siya sa puntong walang maibayad sa kuryente at pang-renta ng bahay.

Nagsimula ang swerte niya last January, 2015 nang bumili siya ng food cart na Pinoy Pao na pagmamay-ari ng kumpanyang The Filifino Dream.

“Nag-invite ako ng dalawang tao (para bumili rin), Allen Dizon (ang isa), doon ako sumabog. What I’m sa­ying, doon nag-explode ang negosyo ko kasi nag-invite siya ng mga negosyante rin na may puso na gustong trabahuhin ito,” say ni Dinky nang makapanayam namin last Friday.

Imagine, wala pang isang taon ay guminhawa na ang buhay ni Dinky, naka-acquire ng condo, pinadala sa US ng kumpanya at binigyan din daw siya ng BMW 5 series.

Dahil nga medyo nakaipon at dahil mahal na mahal niya ang movie industry, nag-produce siya at ang kasosyo niya ng pelikula, ang One Day, Isang Araw, I saw, Nakakita kung saan ay siya rin ang direktor.

Pinagbibidahan ng newbie child star na si AJ Ocampo ang One Day, Isang Araw, I Saw, Nakakita. First directorial job niya ito at sobrang nag-enjoy daw siya talaga dahil noon pa pala ay pangarap na niya ang magdirek.

Magkakaroon ng special screening ang movie sa Dec. 2 sa Meralco Theater.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DINKY DOO

INAH

ISANG ARAW

JAMES

JULIA BARRETTO

KUNG

NAMAN

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with