^

Pang Movies

Dingdong hirap umalis pa-Paris!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Any day next week, tuloy ang pag-alis ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes for Paris para mag-attend ng Climate Change Forum as Commissioner-At-Large ng National Youth Commission. Hirap si Dingdong na iwanan ang kanyang mag-ina after na isilang ng wife niyang si Marian Rivera ang kanilang baby girl na si Maria Letizia Gracia Dantes. Pero trabaho raw niya iyon at nag-usap naman sila ni Marian na naiintindihan ang kanyang advocacy. Isa rin naman ang anak nila sa mabibiyayaan ng magiging resulta ng forum. 

Babalik naman daw siya agad after the forum.

Kahit kaedad ng ama, Carla hindi matawag na Tito si Gabby

Ang sexy ni Carla Abellana sa serpentina gown na suot niya sa launch cum presscon ng bago niyang romantic-comedy-drama series sa GMA 7, ang Because of You. After the presscon, inamin ni Carla na five months siyang naghirap magpapayat bago lumabas ang figure niya ngayon. 

“Mabuti na lamang after the soap (Pari Ko’y), nagkaroon ako ng time na mag-gym,” sabi ni Carla. 

“May nag-supply din sa akin ng diet food, ang Healthy House Manila, hindi naman nila ako binawalang kumain, counted lamang ang calorie intake ko at masarap naman kaya hindi ako deprived sa pagkain.”

Hindi rin naman daw siya nahirapang mag-shift mula sa usual drama series na ginagawa niya at maging comedian paminsan-minsan sa mga eksena. Nakatulong daw sa kanya ang sitcom niya every Sunday, ang Ismol Family.

Although challenging din ang role niya sa bago niyang soap kung saan may alaga siyang apat na anak ni Gabby Concepcion at ang eldest ang pinakapasaway na gagampanan ni Joyce Ching. 

Promise nilang maganda ang kanilang serye sa tulong ng writers at ni Direk Mark Reyes.

Kumusta namang katrabaho si Gabby Concepcion?

“Una kaming nagkasama ni Kuya Gabby sa Yesterday, Today, Tomorrow two years ago, pero hindi siya nagbabago, he’s friendly pa rin, happy-go-lucky, na kahit umaga na kami sa taping, gising na gising pa rin siya.”

Biniro namin si Carla bakit ‘kuya’ ang tawag niya kay Gabby, na kasabayan ng ama niyang si Rey Abellana?

“Nahihiya po naman akong tawagin siyang ‘Tito’ kasi ‘kuya’ tawag ng lahat sa kanya sa set. Friends sila ni papa at ang older sister ko, si Ate Erika, ang kasabay na kasabay na ipinanganak noon ni KC (Concepcion), magkatabi pa sila ng hospital room.”

Naitanong din namin kay Carla kung bakit hindi siya natuloy sa Little Nanay na ginagampanan na ni Kris Bernal ngayon. Hindi na raw nakarating sa kanya  ang offer  ng project.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA

CARLA ABELLANA

GABBY CONCEPCION

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with