^

Pang Movies

Coco laging ipinangangalandakan ang yaman

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang maitutulong ng paglabas ng teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin sa kandidatura ni Senator Grace Poe sa 2016. Makatutulong bilang promo ang buhay ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) sa pagtakbo ng kanyang anak. Malaking tulong din ang suporta ni Coco sa naturang serye.

Sana lang, sa promo ni Coco ay iwasan niya ang pulos na pagbanggit sa biglang yaman niya ngayon, lalo na ang mansion niyang ipini-feature sa bawat interbyu. Dapat ang acting ni Coco ang bantayan sa teleserye, para mapantayan ang ginawa noon ni FPJ.

Masuwerte nga si Coco dahil sa rami ng artista sa Kapamilya, bukod tangi siyang napili para gampanan ang naturang teleserye. Nakasandal siya sa pader.

Kapamilya Network mahina ang signal sa Bulacan

Malaki ang problema ng Channel 2 dahil malabo ang signal nila sa Bulacan. Akala mo lumang pelikula ang ipinalalabas dahil malabong panoorin ang kaninang channel. Nahihirapan tiyak si Pastillas Girl sa pakikipagsabayan kay Yaya Dub, dahil napakalinaw ng signal ng Channel 7.

Walang mga bubbles ang napapanood namin sa screen. Alam kaya ito ng Kapamilya?

Matamlay ang career, Sid nasasayang ang talent

Nakakahinayang naman dahil bibihirang mapanood si Sid Lucero ga­yung isa siyang magaling na aktor. Napanood lang siya ng mga tagahanga sa Relasyon, kung saan mukhang sadista pang nananakit ng asawa played by Louise delos Reyes ang ginagampanan niya.

Ano kaya ang problema, bakit bihira na siyang napanood sa TV? Marami namang iba riyan ang nabibigyan ng project, kulang naman sa acting, bale ba, may attitude pa!                                         

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSYANO

BULACAN

COCO MARTIN

FERNANDO POE

KAPAMILYA

KAPAMILYA NETWORK

MALAKI

NBSP

PASTILLAS GIRL

SENATOR GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with