^

Pang Movies

Playgirls sinasakyan ang nakakadiring isyu para magkapangalan, mga pulitikong kasayaw hindi dapat manalo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahit ano pa ang paliwanag ng Playgirls, unacceptable ang kalaswaan na ginawa nila sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng Liberal Party sa Laguna.

Nameless ang Playgirls kaya siguradong sasakyan nila ang isyu para makilala sila pero nagkakamali ng akala ang grupo.

Nakakadiri rin ang mga mhin na kasayaw ng Playgirls. May nagsabi sa akin na mga pulitiko rin ang mga kapareha ng malalaswang dancers. ‘Yun ba ang klase ng mga public servant na dapat iluklok sa puwesto? Hindi no!

Wish ko lang, nakaka-feel sila ng kahihiyan kapag nakikita nila ang video at mga litrato ng kanilang malaswang pagsasayaw.

Alden at Yaya Dub magpapalit muna ng puwesto

Missing in action kahapon si Paolo Ballesteros aka Tidora sa Eat Bulaga dahil nasa Cebu siya.

Marami ang naghanap kay Paolo dahil hindi kumpleto ang pagbisita kahapon ng D’ Explorer sisters sa Broadway studio ng Eat Bulaga.

Na-miss ng fans si Paolo at ang kanyang Lola Tidora character sa kalyeserye ng Eat Bulaga, pati na ang pagsigaw niya ng “wooh” sa tono ng boses ni Regine Velasquez.

Ang saya-saya kahapon sa Broadway studio ng Eat Bulaga dahil sa pagbisita nina Yaya Dub, Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Ma­nalo).

Madaling-araw pa lang, dumagsa na ang fans ng kalyeserye sa Broadway Centrum dahil sa kagustuhan nila na masaksihan ang pagdalaw ng tatlo sa Dabarkads ng Eat Bulaga.

Siyempre, milyun-milyon uli ang nag-tweet tungkol sa episode kahapon ng Eat Bulaga na may hashtag na ALDUBmeetsTVJ kaya nag-trending na naman ito sa buong mundo.

Magpapalit nga pala ng puwesto sina Alden at Yaya Dub dahil simula bukas, mapapanood na si Yaya Dub sa Broadway studio ng Eat Bulaga at si Alden naman ang makakasama ng D’ Explorer sisters sa pagsugod nila sa mga barangay.

Lalong magiging mahigpit ang security sa mga barangay na pupuntahan ni Alden dahil talagang dinudumog ito ng mga tao.

Fast food chain naka-jackpot sa AlDub

Confirmed na almost 500% ang itinaas ng sales ng fast food company na iniendorso nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang sey ng company representative, lumakas ang benta nila mula nang i-endorse ng AlDub ang isang klase ng kanilang pagkain na patunay na malakas talaga ang hatak ng loveteam nina Alden at Maine.

It’s Showtime hindi nagpatalo sa panghaharana ng Tito, Vic, and Joey

Kung hinarana kahapon nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon si Lola Nidora sa Eat Bulaga, hindi nagpatalo ang It’s Showtime dahil may harana portion din sila.

Pukpukan talaga ang labanan ng dalawang noontime show pero siyempre, isa lang ang dapat manalo at alam na natin kung alin, ang programa na kinopya pero hindi nahigitan.

Mga dadalo sa grand premiere ng Felix Manalo, ni-request na mag-outfit

Smart casual ang required outfit sa mga dadalo sa grand premiere ngayon ng Felix Manalo sa Philippine Arena.

Para sa production staff ng Viva Films, all black outfit naman ang request.

Baka in character naman ang lead stars ng Felix Manalo, sina Dennis Trillo at Bela Padilla.

Ang premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena ang event of the year at pinakabonggang premiere sa history ng local showbiz.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BULAGA

EAT

EAT BULAGA

FELIX MANALO

LOLA NIDORA

MGA

NBSP

PHILIPPINE ARENA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with