^

Pang Movies

Designer ng mga damit nina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora dumami ang benta!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naambunan ng suwerte ng phenomenal success ng kalyeserye ng Eat Bulaga si Bong Lazo, ang fashion designer na gumagawa ng mga damit na isinusuot ko sa Startalk.

Happy si Bong dahil in demand ngayon ang kanyang mga RTW dress na mabibili sa mga branch ng SM at Landmark.

Naging mabenta ang mga RTW dress ni Bong dahil ito ang ginagamit nina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora, ang mga karakter nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros, respectively, sa sikat na sikat na kalyeserye ng Eat Bulaga.

Take note, hindi ex-deal ang mga da­mit dahil talagang gumagastos ang Eat Bulaga. Nagulat na lang si Bong nang makita niya na ang kanyang mga creation ang ginagamit ng tatlong lola sa kal­yeserye.

Sa true lang, magaganda pero affor­dable ang mga damit ni Bong na forte ang paggawa ng mga RTW dress. Matagal ko nang kilala at kaibigan si Bong dahil siya nga ang provider ng aking mga damit na ginagamit sa Startalk.

Binuo ang pami-pamilya Fiancé ni Cristalle todo-effort ang ginawang sorpresa sa kanya

Nagbakasyon sa isang sikat na island sina Dra. Vicki Belo, ang kanyang former husband na si Atom Henares at ang kanilang mga anak na sina Cristalle at director Quark Henares.

Kasama sa island vacation si Justin Pitt, ang fiancée ni Cristalle na nasorpresa nang todo dahil hindi niya inaasahan na naroroon din ang kanyang future parents-in-law at brother-in-law.

Inilihim ni Justin kay Cristalle ang kanyang plano at nagtagumpay naman siya dahil gulat na gulat ang future bride niya.

Touched na touched si Cristalle sa effort ni Justin na bigyan siya ng malaking sorpresa.

Gusto lang ng perang kikitain Aktres keber sa patutsadang hindi siya marunong umarte

Pinupuna na hindi marunong umarte ang aktres na bida ng isang teleserye pero hindi siya affected.

Tanggap naman ng aktres na hindi ito mahusay at nagkataon lang na dinapuan siya ng malaking suwerte kaya naging big star.

Walang ilusyon na magkaroon ng acting award ang actress dahil happy na siya na nabigyan ng bonggang project sa telebisyon.

Jean Saburit ayaw pang magsalita sa bintang ng Kanong BF

Humarap kahapon sa media ang American ex-dyowa ni Jean Saburit at sinabi ang mga nangyari sa kanilang relasyon na humantong sa hiwalayan portion.

Matitindi ang mga akusasyon ng mhin laban kay Jean na pinili na huwag magsalita dahil ito ang advice ng kanyang lawyer.

Ang sabi ng mga reporter na nakausap ng American ex-dyowa ni Jean, 74 years old na ang mhin pero bagets ang hitsura.

Matagal nang artista si Jean at ngayon lamang siya nasangkot sa isang kontrobersya kaya nalilito ang mga sumusubaybay sa kaso kung sino sa kanila ng complainant ang nagsasabi nang totoo.

Siyempre, marami ang naniniwala at kampi kay Jean dahil sa ilang dekada ng showbiz career nito, ngayon pa lamang nakaladkad sa nakakalokang isyu ang pangalan niya, kahit Kaladkarin ang title ng pelikula na kanyang pinagbidahan noong 1980.

Hoping ang mga reporter na sooner or later, sasagutin ni Jean ang mga paratang ng mhin na naghahabol sa kanya para maipagtanggol niya ang sarili.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CRISTALLE

DAHIL

EAT BULAGA

JEAN SABURIT

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with