^

Pang Movies

Seryeng kasisimula pa lang umere, titigbakin na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

How true na kasisimula pa lamang ng isang teleserye, nanganganib na itong mawala sa ere?  May problema nga ba sa lead stars ng serye kaya matsutsugi na ito?  Hindi na raw kaya magagawan ng paraan para matuloy pa rin, kawawa naman ang ibang artistang mawawalan ng trabaho, lalo na kung may mga tinanggihan na silang trabaho.

At sayang din ang nagastos na nila, pero kung patuloy naman silang gagastos at lalaki ang production cost, mas mabuti na raw na ihinto na lamang ito.

Lola Nidora igagawa ng sariling stage si Yaya Dub para makaiwas lang kay Alden

Magbago kaya ang isip ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa Saturday, September 5, na payagan nang magkita sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa Bulaga Pa More segment ng Eat Bulaga?

Pumayag kasi si Lola Nidora na sumali sa wild card si Yaya Dub na makakalaban niya si Alden.

Sa studio sa Broadway, Quezon City gagawin ang wildcard edition pero ayaw pumayag ni lola, gagawa raw siya ng paraan kung saan magpi-perform si Yaya Dub.

Nagpresenta naman si Alden na tuturuan niya si Yaya Dub sa kanyang rehearsals pero siyempre, kinontra ito ni Lola Nidora.  So, wait na lamang ang mga AlDub fans kung sa Sabado na ang tamang panahon para magkita sina Alden at Maine nang personal.

Rocco at Lovi ayaw munang patali sa isa’t isa, pero pinag-uusapan na ang kasal

Inamin ni Rocco Nacino na very deep at very mature na raw ang relasyon nila ngayon ng girlfriend na si Lovi Poe at masaya silang magkasamang nagtatrabaho sa primetime drama series nilang Beautiful Strangers.

Medyo na-challenge raw siya sa story nina Noel (Rocco), Joyce (Lovi) at Kristine (Heart Evangelista) dahil naiipit si Noel sa dalawang babaing mahal niya.  Sina Noel at Joyce kasi ang magnobyo, namatay sa hindi nila alam na dahilan si Joyce, naka-move on siya at natutong mahalin si Kristine, saka naman lumitaw muli si Joyce.

Ayon kay Rocco, kahit siya ay naaawa sa kanyang character kapag pareho siyang sinusumbatan nina Joyce at Kristine. Marami raw twist ang story at alam niya na maraming makaka-relate sa mga charac­ters nilang lahat sa story, including Christopher de Leon na hangang-hanga siya sa husay umarte nito at kay Dina Bonnevie.

This week, mas marami raw revelations mangyayari sa story na dinidirek ni Albert Langitan at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng MariMar.

Kung napag-uusapan na ba nila ni Lovi ang pagpapakasal, hindi raw maiiwasan kung minsan na doon mapunta ang usapan nila pero open-minded sila pareho at alam daw nilang nasa peak na sila ng kanilang career kaya doon muna sila talaga naka-focus dahil gusto nilang pag-ipunan ang kanilang future.

Mataas daw ang respeto nila sa isa’t isa at masaya silang laging magkasama.

Sa September 10 nga ay lalaban sa ju jitsu competition si Rocco sa Japan at pinayagan din sila ng production na parehong umalis. Si Lovi raw ang kanyang inspiration para manalo.

Bukod sa Beautiful Strangers, mapapanood din si Rocco as one of the segment hosts ng StarStruck 6 at kasama sina Mark Herras at Kris Bernal na magbibigay ng updates sa mga happenings sa top 35 contestants ng original reality artista search.

vuukle comment

ALBERT LANGITAN

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

KRISTINE

LOLA NIDORA

LOVI

NBSP

RAW

ROCCO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with