^

Pang Movies

Marian ipinasilip na si Baby Maria!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napansin ang parang biglang paglaki ng tummy ng magandang buntis na si Marian Rivera last Sunday sa segment nila ng Kantaririt sa comedy-variety show nilang Sunday PinaSaya dahil medyo fitted ang suot niya. Pero sa opening spiels nila ni Alden R­ichards sa show, hindi naman ito ganoon kalaki dahil mas maluwag ang dress na suot niya.

Na-explain ito kinagabihan nang mag-guest si Marian sa Kapuso Mo, Jessica Soho – ang sabi ni Marian, ayon sa kanyang OB Gyne, ahead ng isang linggo ang laki ng baby niya. Ipinakita ni Marian kay Jessica Soho ang 4D ultrasound ni Baby Maria at matangkad daw ang magi­ging baby nila na ilong lang niya ang nakuha at ang kamukha talaga ay si Dingdong.

Susunod din si Marian sa mga pa­mahiin ng lola niya na hindi siya puwedeng kumain ng talong (egg­plant) at crabs, mabuti na raw lamang at ‘di siya nagki-crave ng kung anu-anong pagkain maliban sa white candies na Haw Haw at White Rabbit.

Alaga raw siyang bisitahin ng kanyang mama at lola na laging may dalang malunggay para sa soup niya. Masaya si Marian na buo ang four gene­rations ng family niya, si lola, si mama, siya, at si Baby Maria. At 87, malakas pa raw si lola kaysa kanya.

“I will be a hands-on mom,” sabi pa ni Marian. “Kukuha rin kami ng yaya pero standby lamang siya. Gusto naming ipadama ni Dong sa kanya ang pagmamahal naming mag-asawa. Wala rin naman akong worries sa pagbubuntis ko dahil araw-araw ipinakikita sa akin ni Dong ang kanyang pagmamahal sa akin.”

Bago natapos ang interview ni Jessica, sinorpresa niya si Marian ng video greetings ng ama niyang si Papa Fran Gracia Alonso from Spain na excited nang makita ang kanyang unang apo. Ayon kay Marian, sinabi nga ng papa niya, babalik ito ng Pilipinas kapag nagsilang na siya ng kanyang first baby.

Ken Chan namakyaw ng makeup at mga damit na pambabae!

Hindi na pinangalanan ni Ken Chan kung sinu-sino ang nakasama niyang nag-audition para sa first lead role niya sa GMA 7, ang Destiny Rose. Nang siya ang makapasa sa audition, pareho silang nag-iyakan ng parents niya dahil matagal na raw niya talagang hinihintay ang ganoong pagka­kataon. Worth daw na kahit ano’ng role na ibinigay sa kanya ng network ay hindi niya ti­nanggihan. Gaganap siyang isang transwoman at ipinagpasalamat niya na maliit ang katawan niya kaysa sa mga kasabay niyang nag-audition na hunks kaya siya ang napili.

Nag-research siya tungkol sa mga trans­wo­man at nag-workshop din for his role na ang peg ay sina Jennylyn Mercado, Carla Abellana, at Heart Evangelista. Kasama si Ken sa pamimili ng mga gagamitin niya sa role from makeup, hair extension na ilalagay sa kanya to dresses and shoes.

Pero ang talagang nakatutulong sa kanya sa pag­ganap niya ng role ay ang kanyang girlfriend of five months na isang commercial mo­del. Pinag-aaralan niya ang kilos at way of speaking nito. Natawa si Ken nang tanungin siya kung hindi ba siya worried na masabihan siyang beki talaga. Sigurado raw siya sa kanyang sexual preference kaya hindi puwedeng sabihing bakla siya. Sa afternoon soap ay magiging leading man niya si Fabio Ide at ididirek naman ito ni Don Michael Perez.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN R

ANG

BABY MARIA

JESSICA SOHO

KEN CHAN

MARIAN

NBSP

NIYA

SHY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with