^

Pang Movies

Mga pasa sa katawan ni Rufa Mae kagagawan ng palpak na doktor!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nang unang mag-post ng kanyang pictures si Rufa Mae Quinto, tapos lumabas pa ang isang maikling video na nakikitang dumadaing siya dahil sa matinding sakit, ang dami naming natanggap na questions, may bumugbog daw ba kay Rufa Mae? Eh sabi nga namin, sino ba naman ang bubugbog kay Rufa Mae eh ni wala kaming nabalitaang nakaaway niyan kahit noong panahong nasa That’s Entertainment pa lamang siya.

Siguro kung minsan makukulitan ka kay Rufa Mae, dahil basta trip niyang mangulit ay makulit siya talaga, pero ang pangu­ngulit naman niya ay nakakatuwa.

Ngayon ay umamin na si Rufa Mae kung ano talaga ang dahilan ng pagkakaroon niya ng mga pasa sa katawan. Isang pagkakamali raw iyon ng kanyang dating cosmetic surgeon na tiniis din niya nang matagal na panahon. Pero kailangan na ngang mai-correct kaya nagpunta naman siya sa ibang doctor at sumailalim nga siyang muli sa isang medical procedure at ngayon naman daw ay ok na siya.

May pangaral din siya para mga gustong magpaganda. “Piliin ninyo ang doctor kung saan kayo magpapatingin”.

Iyan ang tamang payo. Ang mga gustong magpaganda at may pera naman, mahirap mong pigilin. Pero dapat matuto sila sa doctor na pupuntahan nila. Marami na ang ganyang kaso.

Alden nalulula sa parami nang paraming fans!

Aminado si Alden Richards na ngayon lang siya sumikat nang husto, at hindi niya maikakailang dahil lamang iyan sa AlDub loveteam nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza). Dahil lamang iyan sa isang “adlib”. Inamin niyang ang kanyang naging out-of-town show noong isang araw ang siyang pinakamalaking crowd niya sa isang solo performance at ngayon lamang siya nakakita ng ganoon karaming taong nanonood sa kanya. At dahil nga ito sa AlDub loveteam nila Maine Mendoza.

Wala naman sa plano ang AlDub na iyan. Si Yaya Dub ay nagsisilbing alalay lamang ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kanilang “problem solving”, kagaya rin ng naunang dalawang modelong babae na nagsilbing assistant ni Doktora the Explorer. Nagkataon na sa isang pagkakataon, nai-focus ng studio camera na nanonood si Alden, bilang reaksyon kunwari na kinilig naman si Yaya Dub.

Maganda ang naging dating noon sa audience hanggang sa humaba na nang humaba ang portion nina Alden at Yaya Dub. Halos nawala na nga ang kanilang problem solving, mas click kasi ang pagpapabebe nina Alden at Yaya Dub.

Nag-click na rin ang pagiging kontrabida ni Lola Nidora. Hindi lang siya nakakapagpatawa, sa pamamagitan ng kanyang character ay naipapasok pa ang tamang values na dapat siyang marinig ng mga kabataan.

Ngayon nga, itinuturing nang isang pheno­menon sa telebisyon ang AlDub na iyan na umaabot na ng tatlong milyon ang tweets ng mga fans.

Kung ang paniniwala ng iba, si Alden ang siyang nagdadala ng love team, kagaya ng kaso ni Daniel Padilla na siyang bumubuhat sa popularidad ni Kathryn Bernardo, sa kanilang kaso, hindi natin maikakaila na ang nagdala ng mas maraming fans ay si Yaya Dub. Ang tagal na ni Alden eh, hindi naman ganyan. Nangyari lang iyan nang dumating si Yaya Dub.

Pero hindi natin alam kung hanggang kailan uso ang dubmash. Katunayan, tinapos na nila ang isa pang segment na may kaugnayan din sa dubmash, ang That’s My Bae. At iyon ang dapat nilang paghandaan, kung papaano ang gagawin nilang pagbabago kung si Yaya Dub ay magiging totoong si Maine Mendoza na.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DUB

ISANG

LOLA NIDORA

MAINE MENDOZA

NAMAN

PERO

RUFA MAE

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with