^

Pang Movies

Rhian maraming natutuhan nang maging tibo!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatunayan ng GMA 7 series na The Rich Man’s Daughter (TRMD) na lahat ng tao ay may karapataang umibig ng kahit na sino. Nagbigay din ng kakaibang karanasan sa mga manonood ang bawat gabi ng TRMD dahil sa mapangahas na roles na ginagampanan ng magagaling na Kapuso stars at pati na rin sa kakaibang istorya ng naturang show.

Sa huling linggo ng TRMD, may pabaon sina Luis Alandy, Glaiza de Castro, at Rhian Ramos sa kanilang loyal viewers.

Para kay Rhian, pagtanggap at pagmamahal ang gusto niyang ibahagi sa kanilang fans. “I think ‘yung matututunan ng audience sa character ni Jade is being able to really accept yourself and love who you are.”

Sinabi rin niya na marami siyang natutunan tungkol sa pag-ibig habang ginagawa niya ang teleseryeng ito.

“Marami akong natutunan about love dito sa show. Noong nakita ko ‘yung kuwento ni Jade at Althea at kung gaano nila ipinaglaban ‘yung love nila. Is it possible for me to love that deeply and extravagantly? But there’s not naman only just one kind of love, you can apply it to other things pero it really made me think about how much I can love other people above myself.

“Lahat tayo may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay, straight ka man o hindi. Importante, irespeto natin ‘yung opinion ng bawat isa, at pagkatao ng bawat isa” diin pa ng aktres.

Samantala, katotohanan naman ang nagingibabaw para kay Luis, gusto rin n­iyang bigyang diin ang pagi­ging totoo sa sarili. “Since day 1, ang pinapa-impart namin sa mga tao, ‘yung truth. Just be true to yourself, to how you feel, because the truth will set you free. ‘Yung truth talaga ang importante, and to accept what’s true and live the truth.”

Abangan sa huling linggo ng The Rich Man’s Daughter kung makakamit ba nina David (Luis), Althea (Glaiza), at Jade (Rhian) ang pagmamahal na kanilang inaasam-asam. Mapanindigan kaya ni Jade ang kanyang pinaniniwalaang tama? Ipaglalaban pa rin kaya ni David ang kanyang pagmamahal at karapatan kay Jade? O hahayaan na niya itong umibig at maging masaya sa piling ni Althea?

Tutukan ang huling linggo ng The Rich Man’s Daughter pagkatapos ng Let the Love Begin sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GLAIZA

LET THE LOVE BEGIN

LOVE

LUIS

LUIS ALANDY

NBSP

RHIAN

RHIAN RAMOS

RICH MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with