^

Pang Movies

James at Nadine may kakaibang pinagsamahan sa Amerika!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sobrang grateful sina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN dahil pinagkatiwalaan sila ng napakalaking project tulad ng On the Wings of Love.

“Full length teleserye po and ang laking project po nito, eh, tapos sa amin ibinigay ‘to, so parang may responsibility rin po at the same time pero super-excited po kami ni James for this project, ” sabi ni Nadine kahapon sa grand presscon ng On the Wings of Love.

Inayunan naman ito ni James.

“We’re excited siyempre kasi sobrang ganda ‘yung kwento and especially the locations, it’s really beautiful,” sabi ng young actor.

Mga 10 days din silang nag-shoot sa San Francisco, USA at ang dami raw nilang napuntahan.

“Lahat ng tourist places, Golden Bridge Gate, Napa Valley, lahat,” say ni James.

Aminado rin ang JaDine na mas naging close sila habang naroroon sila.

“Yes, actually all of us, even tita Cherry Pie (Picache), we became close with her as well and marami akong natutunan sa kanya,” say ni James.

Sa Aug.10 na magsisimula ang On The Wings of Love sa primetime slot ng ABS-CBN.

Huling-huli ang mga ginawa pag magkasama Cherry Pie may ibinuking kina James at Nadine!

Kasama si Cherry Pie sa taping ng On The Wings Of Love sa SanFo at tatlo lang sila sa cast na nagpunta roon kaya siya mismo ang naka-witness ng totoong pagtitinginan ng dalawa off cam.

Ayon kay Pie, first time niyang nakasama ang JaDine loveteam kaya hindi rin daw niya alam kung may relasyon ba ang dalawa or what.

“Totoo ‘yung sinabi ni direk (Antoinette Jadaone) talaga. Walang tsika, kung paano sila magtrabaho, how they work hard on screen, ‘yung chemistry nila, ganu’n sila pag ‘yung walang shoo­ting.

“Tapos honest, minsan, nakakakilig pag ano, kasi nga ‘yung binanggit nga ni James na since April last year till today, almost everyday sila ang magkasama.

“So parang siguro they became close to each other. So, ikaw, kung outsider looking in, kung first time mong nae-encounter, so the same way na kinikilig ka sa kanila on screen, may kilig moments pag sila lang.

“You know, they listen to music na isang headset lang. May ganu’n,” kwento ni Cherry Pie.

Sweet daw ang dalawa sa isa’t isa kaya naging curious din siya kung ano ba talaga.

“So, nung pangalawang araw, tinanong ko na. Like kay Nadine, ‘di ba ang babae, malambot ang puso, di ba? “Hindi ka ba nade-develop?” Tapos ang cutie naman ng lalaki.”

Ano ang sagot ni Nadine?

“Siyempre, showbiz, “hindi”,” natatawang sagot ni Pie kaya tawanan din kami.

Hindi nga, ano talaga ang sagot?

“Hindi nga raw, sabi niya, “hindi pa kami masyadong close”, ganyan. Tapos ganyan din (ang itinanong ko) kay James. Siyempre, minsan tumatawa-tawa lang sila. Sabi ko, sige, konting panahon pa.”

Pero whatever, talaga raw sweet ang dalawa.

“You know there are moments na sweet talaga sila. What you see on cam, tama nga ‘yung sinasabi ng dala­wa, “what you see on cam is what you see outside”. ‘Yung chemistry, ‘yung closeness nila,” sey pa ni Pie.

Nag-aaway din ba sina James and Nadine?

“Siyempre, sa pagod din, eh. Normal lang naman ‘yun. ‘Yung minsan talaga, may moments din na halos hindi na nagpapansinan. Kasi siyempre, may kanya-kanyang pressure. Tapos, wala kaming assistant do’n, di ba, kanya-kanya.

“Tapos ang babae, ‘di ba, mas maraming gamit. So, siyempre minsan, si Nadine, pagod na rin ganyan-ganyan. So minsan,‘yung parang kanya-kanya nga muna tayo. Parang ganu’n.”

Natutuwa naman daw si Pie na maging sa US ay po­pular na ang JaDine loveteam.

“Nakaka-touch kasi ‘yung JaDine fans, sumalubong sila sa airport, tapos nakasunod sila sa mga shootings namin. May international fans club sila,” sabi pa ni Pie.

Samantala, hindi naman mapigilang mapaiyak si Pie nang mapag-usapan ang namayapa niyang ina na matatandaang brutal na pinaslang last year. Kinasuhan na nila ang gumawa nito at kasaluku­yan pa ring nasa korte.

Umaasa si Pie na bago dumating ang first death anniversary ng kanyang ina sa Setyembre ay mahatulan na ang suspect at nang mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHERRY PIE

HINDI

JAMES

NADINE

PIE

SILA

SIYEMPRE

TAPOS

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with