^

Pang Movies

BOB kulang! Angel hindi umepal sa shake drill

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dahil sa impact ng isinagawang “shake drill” sa Metro Manila, ang dami na namang umepal. Pagkatapos ng shake drill, kanya-kanya na naman silang post sa social media kung ano ang kanilang ginawa at naging partisipasyon dito. Pero halata mo na epal lang ang karamihan dito. Gusto lang masabing aware sila sa mga nangyayari.

Actually, isa lang ang pinaniwalaan naming preparado, si Angel Locsin na nagsabi pa na mayroon siyang BOB at inisa-isa pa kung ano ang laman noon. Iyon lang gamit ng salitang BOB, alam mong may nalalaman siya. Ibig sabihin kasi niyan ay “bug out bag” na isang term na karaniwang ginagamit lamang ng mga volunteer sa isang disaster operations. Minsan ang tawag din diyan ay PERK, na ang ibig sabihin naman ay “personal emergency relocation kits”.

Ang mga ganyang terms ang nakakalaam lang usually ay ang mga trained disaster preparedness volunteers. Eh si Angel Locsin kasi, volunteer ng Red Cross, at tiyak na sumailalim din ng pagsasanay sa disaster preparedness na talagang pinagdadaanan ng lahat ng Red Cross volunteers.

Ang paghahanda ng BOB ay ipinapayo kahit na sa ilang reminders sa mga TV at radio station, pero hindi nila ginagamit, at hindi nila alam ang usual na tawag. Kasi nga, ang mga sanay lamang o nagsanay sa disaster preparedness ang gumagamit ng mga ganyang terms.

Kaya ang paniwala namin, kahit na hindi nakita sa shake drill si Angel kagaya ng ibang umepal pa at nagpakuha lang naman sa mga TV crew na kasali sila, alam ang kanyang gagawin kung sakali nga at may dumating na ‘big one.’

Isa lang ang hindi namin nakita sa BOB ni Angel, ang portable radio transceiver, o ang tinatawag ng iba na “walkie-talkie”. Oras kasi na magkaroon ng disaster, hindi lang ilaw at tubig ang posibleng mawala kundi lahat ng means of communication. At sa pagkakataong ito, magandang mayroon ka nito, at alam mo ang mga emergency channels sa two-way radio.

Actually, bago ang anumang shake drill, dapat talagang hinihikayat ang mga tao na magkaroon ng ganyang bag. Kami rin ay mayroong nakahandang PERK.

Baka lumala pa ang ‘sakit’ pag ‘di kinilala Jiro ‘di pa dapat makita ang ama!

Maganda ang ibinalita ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas na na-trace niya sa tulong ng ilang kaibigan sa Japan ang kinalalagyan ng tunay na ama ng actor na si Jiro Manio. Pero hindi ganoon kadali ang sitwasyon, dahil sinasabi nga, may pamilya roon ang tunay na ama ni Jiro. Isang katotohanan din na hindi pa nagkikita sina Jiro at ang kanyang ama sa simula’t simula pa lang.

Patay na ang nanay ni Jiro na makapagpapatunay na iyon nga ang kanyang ama.

Ang pinakamabi­gat na problema, nakahanda pa ba naman ang kanyang ama na kilalanin si Jiro? Kung natatandaan ninyo, sinasabing si Jiro ay pinangakuan na ng kanyang lola na dadalhin noon sa Japan matapos niyang ma-trace. Pero hindi natuloy ang lahat at pagkatapos hindi na rin niya mahagilap ang sinasabing lola niya. Hindi kaya isang indikasyon ito na hindi pa handa ang tunay niyang ama para kilalanin siya?

Mas nakakatakot na sitwasyon ito. Kung lumabas kasi na hindi handa ang tunay na tatay ni Jiro na kilalanin siya, mas malaking dagok ito sa emosyon ng actor. Baka nga mas mabuting magkaroon muna sila ng communication tungkol kay Jiro bago nila pangakuang dalhin ito sa Japan para makilala ang tunay niyang tatay.

vuukle comment

ACIRC

AMA

ANG

ANGEL LOCSIN

HINDI

JIRO

LANG

MGA

PERO

RED CROSS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with