^

Pang Movies

Barbie at Yassi nagsi-share kay Andre!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Minahal si Barbie Forteza ng YanDre fans dahil sa kanyang sinabi na happy siya para sa loveteam nina Yassi Pressman at Andre Paras na leading man niya sa The Half Sisters.

Natuwa kay Barbie ang fans nina Yassi at Andre dahil hindi nila inaasahan na magiging mapagbigay siya.

Walang ipinagkaiba si Barbie kay Julie Anne San Jose na nagustuhan ng AlDub fans dahil sa kanyang sinabi sa presscon ng Sunday PinaSaya na fan din siya nina Yaya Dub at Alden.

Natuwa ang AlDub fans kay Julie Anne at nakaramdam sila ng guilt dahil sa bashing na ginawa nila sa singer/actress nang mag-perform ito na kasama si Alden sa grand fans day ng GMA 7 noong nakaraang Linggo.

Hindi pa tapos ang shooting ng Girlfriend for Hire, ang launching movie ng loveteam nina Yassi Pressman at Andre Paras.

Malabo na maipalabas ngayong Agosto ang Girlfriend for Hire dahil may mga conflict sa schedule nina Yassi at Andre.

Malamang na malipat ang playdate ng pelikula sa September o October kaya matagal-tagal pa ang ipaghihintay ng Yandre fans na sabik na sabik nang mapanood ang Girlfriend for Hire.

Wally nakalimutan na ng fans, mas sikat sa alter ego

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot si Wally Bayola kapag nalaman nito na mas sikat pa sa kanya si Lola Nidora, ang karakter niya sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga.

Nasanay na ang mga tao na si Lola Nidora ang araw-araw na napapanood sa Eat Bulaga kaya nakalimutan nila na isa lamang siya sa mga karakter na ginagampanan ni Wally.

Sa rami ng mga karakter na binigyang-buhay ni Wally, si Lola Nidora ang sumikat at umingay nang husto.

Sa kabilang banda, pabor kay Wally ang nangyari dahil hindi siya magiging biktima ng over exposure. As himself si Wally sa Sunday PinaSaya at malayong-malayo ito sa kanyang alter ego na si Lola Nidora.

AiAi bumata ang hitsura dahil sa lalaki

Iniiwasan na ni AiAi delas Alas na magkuwento tungkol sa kanyang lovelife para hindi na ito intrigahin.

Kasama ni AiAi ang boyfriend niya na si Gerald Sibayan sa kanyang solo presscon noong Huwebes.

Feel na feel ko ang genuine na pagmamahal nila sa isa’t isa.

Malaki ang age gap nina AiAi at Gerald pero parang magkasing-edad lamang sila nang magkita kami sa presscon.

Gusto ko nang maniwala na may katotohanan ang obserbasyon na kapag mas matanda ang babae sa kanyang boyfriend, hinahabol nito ang itsura niya. Believable ang pralala ni AiAi na 35 years old lamang siya dahil parang hindi na nagkakalayo ang itsura nila ng kanyang dyowa.

Donita hindi na naayos ang problema sa mister

Malapit nang mag-goodbye sa TV ang Let The Love Begin kaya nalulungkot na si Donita Rose na nagsabi na mami-miss niya ang kanyang co-stars at ang production staff.

May dahilan para mangulila si Donita dahil halos araw-araw na kasama niya ang mga artista at production staff ng Let The Love Begin kesa sa kanyang asawa.

Hindi na nagkukuwento si Donita tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng mister niya pero ramdam na ramdam ng mga tao sa kanyang paligid na may pinagdaraanan ang aktres. Minsan nang ipinahiwatig ni Donita sa isang interbyu na may problema sila ng kanyang asawa.

vuukle comment

ANDRE PARAS

ANG

DAHIL

DONITA

EAT BULAGA

HINDI

KANYANG

LET THE LOVE BEGIN

LOLA NIDORA

STRONG

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with