^

Pang Movies

Matapos manganak Cristine balik na sa pagpapa-sexy!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ibinalita sa ABS-CBN na back to work na si Cristine Reyes at may gagawin silang teleserye ni Zanjoe Marudo. Na-miss daw ng aktres ang pag-arte since matatandaang namahinga siya nang nabuntis siya hanggang sa makapanganak kay Baby Amara.

Say ni Cristine, excited siyang makatrabaho muli si Zanjoe na una niyang nakasama sa Kristine series at nasundan pa ng isang pelikula.

 “Excited kasi reunion namin to and very happy kasi I’m comfortable with him,” sey ni Cristine sa panayam ng ABS-CBN.

As a mom, hindi rin maipagkakailang sobrang happy daw niya.

 “Every morning, para kaming may toy. Masaya sa bahay pag may bata at saka ‘yung development pag nakikita mo, nasusubaybayan mo, parang nakakatuwa,” sey ni Cristine.

Hindi pa inire-reveal ang mga detalye sa teleserye na may titulong Tubig at Langis pero maganda raw ang materyal. May pa-sexy nang kaunti pero may heavy drama rin.

Hindi lang natin alam kung ito ‘yung dating pelikula na pinagbidahan nina Vilma Santos, Dindo Fernando at Amy Austria pero say ni Cristine ay classic daw ang teleserye so, baka nga remake ito ng nasabing movie.

Anyway, sa pagbabalik ni Cristine sa ABS-CBN, hindi totoo ang tsika na lilipat siya sa GMA-7. Lately kasi ay may mga bulung-bulungan na tila may offer sa aktres para magbalik-Kapuso. Pero not true pala and certified Kapamilya pa rin siya.

Carmina napaglaruan ang pagmamaldita

Sobrang nag-enjoy si Carmina Villaroel sa kanyang role sa Bridges of Love kahit na ang layo-layo ng karakter niya rito sa tunay na buhay.

“I had so much fun. Nag-enjoy talaga ako sa role ni Alexa kasi it’s very opposite of my character. At saka, ang dami kong pwedeng paglaruan. Ang dami kong ayos ng buhok. ‘Yung bags ko, pwedeng full, side, baby bangs, ang dami,” natatawa niyang sinabi.

“So, ‘yun nga, katulad ng sinabi ko, kasi ‘yung role ni Alexa, kontrabida siya pero hindi ‘yung stereotype na kontrabida. Na medyo may pagka-sarcastic na ’yung maiinis ka talaga sa kanya. So, ang sarap maglaro ng mga ganung eksena na mahirap,” she said.

Bago ang Bridges of Love ay kontrabida rin ang role ni Mina sa Got To Believe kaya sey niya, kung siya raw ang masusunod, sana ay huwag na muna siyang ma-typecast sa ganitong papel.

 “Pero kasi ang lagi kong nare-receive na mga tweets, laging sinasabi na very effective, kasi nga siguro ‘yung sarcastic ako, eh, or ‘yung hitsura ko, I don’t know.”

Willing din ba siyang magkaroon ulit ng kissing scenes? Sinong aktor naman ang gusto niya?

 “Sa edad kong ito, hindi ko na kailangang mamili, hindi ko na iniisip ‘yun. Hindi ko siya pinaplano, hindi ko siya nilu-look forward. Nagkataon lang na dito sa story, kinailangan lang talaga,” she said.

Bea amaze na amaze kay Dawn

Ayon kay Bea Alonzo, big fan siya ng Chard-Dawn (Richard Gomez-Dawn Zulueta) tandem kaya naman sobrang saya niya nang i-offer sa kanya ang The Love Affair kung saan ay makakasama niya nga ang dalawa.

Bilang first time niya ngang nakatrabaho ang dalawa, sobrang in awe si Bea especially sa kagandahan ni Dawn.

“Grabe ‘di ba, nakikita mo naman ‘yung ganda niya? Hindi talaga. I always tell her na gandang-ganda ako. Kahit hindi niya nga alam, sinasabi ko kay Kuya Goms (Richard), “ang ganda-ganda ni Ms. Dawn, no?” Sabi ni Kuya Goma, “sobrang ganda nga ng taste ko,” natatawang sabi ni Bea.

 Ikinaa-amaze rin daw niya ang sobrang pagka-graceful ni Dawn.

“Sa bawat galaw niya. And she’s such a good actress. Talagang nabibilib ako kung paano niya hina-handle ‘yung personal life niya at ‘yung career niya. Gusto kong maging siya someday,” sabi pa ni Bea.

Sobrang thankful naman ni Dawn sa papuri ni Bea at aniya, siya rin daw ay gusto niyang maging si Bea.

‘Yun nga lang, say ni Dawn, unfortunately ay may isa lang siyang scene with Bea na ‘yun ngang nakikita natin sa trailer.

“But ‘yung one night na sinyut namin ‘yun together, natuwa naman ako sa kanya, because she’s such a dedicated actress. I can understand what it feels like to be in her shoes kasi once upon a time, ako ‘yung younger who was working with the senior stars,” sey ni Dawn.Sana nga raw ay hindi ito ang last time na makatrabaho niya si Bea dahil magaling na aktres daw ito at alam niyang mas malayo pa ang mararating kesa sa kinalalagyan niya ngayon.

“So, I hope I will still be there along the way and work with more projects with her,” sey pa ni Dawn.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BRIDGES OF LOVE

CRISTINE

DAWN

HINDI

NIYA

SIYA

STRONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with