^

Pang Movies

Anthony Taberna at asawa hindi apektado sa pinagdadaanan ng INC, mas tutok sa pagpro-produ ng concert

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-enjoy ang fans sa concert ng Aegis sa Music Museum noong Huwebes at Biyernes.

Sulit na sulit daw ang datung na ibinayad nila dahil siksik, liglig, at umaapaw sa entertainment ang mala-variety show ng Aegis.

Ang asawa ni Anthony Taberna na si Rossel ang produ ng successful major concert ng Aegis. Proud na proud ang mag-dyowa nang kumanta sa concert ng Aegis ang kanilang anak na babae. Mukhang nagmana ang bagets sa kanyang ina na nag-join noon sa StarStruck pero hindi nakasali sa mga finalist. Sina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang mga winner sa season ng StarStruck na sinalihan ng misis ni Ka Tunying.

Parehong miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang mag-asawa pero hindi sila nagsasalita tungkol sa krisis na pinagdaraanan sa kasalukuyan ng kanilang simbahan.

Ang balita ko, kusang-loob ang hindi pagtalakay ni Ka Tunying sa INC controversy sa kanyang mga radio at TV program.

Dapat tularan ng ibang INC members ang attitude ni Ka Tunying para hindi na lumaki at madagdagan pa ang problema ng simbahan nila.

Gladys nagpapakatatag sa kabila ng gulo sa INC

Naglabas na si Gladys Reyes ng saloobin tungkol sa krisis na nangyayari nga­yon sa Iglesia Ni Cristo.

Faithful member si Gladys at ang kanyang pamilya ng INC. Natatandaan ko na kapag pumupunta sila sa ibang bansa, ang simbahan ng INC ang unang hinahanap nila para makasamba.

Ito ang statement ni Gladys na hin­ding-hindi magbabago ang pananalig sa kinaaaniban na simbahan;

“Ako’y Iglesia ni Cristo. Dahil sa ka­abalahan sa teyping ng serye, pagre­rebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB (Movie and Tele­vision Review and Classification Board), kabi-kabi­lang pulong bilang “executive producer” para sa aking programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon at higit sa lahat oras para sa asawa at aking tatlong mga anak, ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataong maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC.

“Sa aking mga mahal sa buhay na hindi man kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo, katrabaho, “kaibigan” sa tunay na kahulugan ng salitang yun at maski hindi ko personal na kakilala, na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nara­ram­daman, kulang ang salitang salamat!!

“Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa. Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya.

“Sa mga ganitong panahon, ‘wag tayong manghina, ‘wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Diyos sa pama­magitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin. Pakatandaan po natin sa Diyos tayo naglilingkod at hindi sa tao. Ako’y Iglesia ni Cristo.. mananatili at maninindigan!!”

Hindi kasama sa paglaki Willie ngayon lang nakilala nang lubusan ang ina

Expected na dadalo sa YES! anniversary party si Willie Revillame dahil siya ang cover ng June 2015 edition at siya uli ang cover ng August issue. Sosyal ‘di ba?

Mababasa sa August issue ng YES! ang maramdamin at punum-puno ng mga pagsubok na buhay ni Willie.

Detalyado ang kuwento ni Willie tungkol sa kanyang nakaraan at pati ang nanay niya, nagkuwento tungkol sa kahirapan noon ng kanilang buhay. Fourteen years old pa lamang ang nanay ni Willie nang mabuntis ito ng kanyang ama. Lumaki si Willie na malayo sa piling ng nanay niya at ngayon lamang nila nakikilala nang husto ang ugali ng isa’t-isa.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR ABRENICA

ANG

ANTHONY TABERNA

CRISTO

GLADYS

HINDI

IGLESIA NI CRISTO

KA TUNYING

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with