^

Pang Movies

Dingdong at Marian susubukang makabuo ngayong Holy Week

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Holy Week break din ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nagpondo na rin kasi ng ilang episodes si Dong para sa series niyang Pari ‘Koy habang si Yan Yan naman ay hindi pa masyadong todo ang taping ng The Rich Man’s Daughter.

Walang sinabing lugar si Marian ng destinasyon nila ni Dong ngayong Lenten season, pero siguradong lalayas din sila. Abangan na lang daw namin ang post niya sa Instagram account niya.

Siyempre, nandoon pa rin ang kagustuhan ng dalawa na magkaroon agad ng anak. Eh, bukod na pinagpala naman si Marian kaya naman malay natin, makabuo na sila ng baby ngayong Holy Week, huh! He! He! He!

Claudine iisa na lang ang problema sa pamilyA?!

Si Gretchen Barretto na lang ang problema ni Claudine Barretto. Kahit civil lang kasi ang pakikisama sa kapatid na si Marjorie at ex-husband na si Raymart Santiago, mas mainam na ‘yon kesa manatiling sarado ang pinto nila sa isa’t isa!

Kahit nga pansamantala ay nabuo ang pamilya nina Clau at Raymart nang magsama sila sa event ng isang anak. Tapos ay present siya sa debut ni Julia Barretto kahit nagbatuhan sila ng baho noon ni Ate Marj niya.

Kaso, hindi lang si Claudine ang kabangga ni Greta. Nariyan pa ang Mommy Inday nila na kinampihan ang bunsong anak. So malayu-layo pa ang tatakbuhin ng kanilang family drama, huh!

Dennis wala nang kaamor-amor kay Marjorie

Bigo si Dennis Padilla na mapawalang-bisa ang petisyon na inihain ng ex-wife na si Marjorie para sa change of surname ng anak nilang si Julia. Base sa report ng Startalk, hindi sinipot ng mag-ina ang hearing para sa petisyon nila.

Hindi rin kasi nagpapansinan sina Dennis at Marjorie. Ang anak lang ang concern ng komedyante. Kitang-kita sa muk­ha ni Dennis ang kawalan na ng amor sa ina ng anak!

Eh kapag hindi naman nila sinipot ang petisyon nila, malamang na mabasura rin ang gi­nawa nila. Pero huwag naman sanang magbago ang ihip ng hangin, huh!

Paolo inuulan ng suwerte

Keri naman pala ni Paolo Ballesteros magpakalalaki, huh! ‘Yun kasi ang role niya sa unang episode ng Eat Bulaga Lenten drama na Biro ng Kapalaran at pinagbidahan nina Nova Villa at Keempee de Leon.

Pero ibang-iba ito sa role ni Paolo sa Black Saturday drama na Pag-uwi. Mujerista ang role niya pero hindi comedy ang dating kundi dramahan talaga, huh! Eh, swak na swak ang tandem nila ni Alden Richards bilang magkapatid.

Sa totoo lang, dumarating na ang big breaks sa career ni Paolo. Tatlong movies ang nakatakda niyang gawin at magiging co-producer ang manager niyang si Joji Dingcong. Bukod pa ito sa ginagawa niyang Die Beautiful na si Jun Lana ang director.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ATE MARJ

BLACK SATURDAY

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

DIE BEAUTIFUL

HOLY WEEK

NILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with