^

Pang Movies

Daniel at Kathryn pinagbigyan ang fans kahit pagod sa mahabang biyahe, Kim at Xian naipit sa immigration sa LAX

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dumating na magkasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Tom Bradley International Terminal sa Los Angeles, California noong Thursday night.

Nasa L.A. ang magka-love team para sa One Magical Night 2015 Tour nila na prodyus ng da­ting singer at ngayon ay show promoter na si Lerma dela Cruz.

Kasabay din nila sa Philippine Airlines PR102 flight pa-L.A. sina John “Sweet” Lapus, Marcelito Pomoy, at rumored-sweethearts na sina Kim Chui at Xian Lim.

Ayon sa isang nakasabay nila sa flight, natagalan pa raw sa may immigration sina Kim at Xian.

Marami raw fans na naghintay kina Daniel at Kathryn sa LAX (tawag sa airport ng L.A.) and in fairness, mabait daw ang mga ito sa fans na nagkagulo at nagpakuha ng litrato kasama sila.

Kahapon ang show sa Los Angeles (sa Alex Theater sa Glendale) ng grupo at ngayon naman ay nasa Escondido Performing Arts sila sa San Diego at bukas ay sa James Logan High School Pavilion naman sila sa San Francisco.

Next Saturday naman naka-schedule ang show nila sa The Downtown Las Vegas Events Center sa Las Vegas, Nevada.

Hindi napansin ng source namin si Karla Estrada sa LAX. Marahil ay busy daw ang nanay ni Daniel sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN, kaya hindi na ito nakasabay sa flight ng grupo pa-L.A.

Imelda ayaw pakasal sa mayamang BF sa America, mas gustong kumandidato

Nakita namin ang singer na si Imelda Papin habang nasa isang meeting kami kahapon ni Manay Lolit Solis sa may Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City,

Kagagaling lang daw ng original jukebox queen sa Amerika.

Nilinaw ni Imelda na boyfriend lang niya ang isang Fil-Am na napabalitang pinakasalan niya roon.

Sabi ni Imelda, inalok siya ng kasal ng kanyang boyfriend, pero siya raw ang nagdesisyong huwag na lang magpakasal uli.

Masaya naman daw sila sa relasyon nilang dala­wa at kung magpapakasal daw sila ni Oscar (panga­lan ng kanyang boyfriend), kailangan niyang ma­ging American citizen.

Ayaw ni Imelda na i-give-up ang kanyang Filipino citizenship dahil may plano pa rin siyang kumandidatong congresswoman sa lugar nila sa Bicol sa 2016 elections.

Pinag-aaralan na raw niyang mabuti ang tungkol doon at may experience naman siya sa pulitika dahil anim na taon siyang naging vice governor sa lugar nila.

Naikuwento rin ni Imelda na aalis siya pa-Ame­rika dahil pinaplantsa na ang show na gagawin nila ni Mommy Dionisia Pacquiao.

Tatlong shows daw ‘yon, isa sa Los Angeles, isa sa San Diego at isa sa Las Vegas bago raw ang boxing fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, though kukumpirmahin pa ni Imelda kung tuloy nga raw ‘yon.

Samantala, may dialysis center siya sa isang ospital sa Quezon City at isa rin sa may Maynila.

Kapag mga taga-showbiz na hindi na raw kayang magbayad ng dialysis, inililibre na raw ni Imelda.

“Kailangan din kasing tumulong, lalo na roon sa mga hindi talaga kayang magbayad,” pahayag ni Imel­da.

Suwerte nga pala si Imelda sa boyfriend niyang si Oscar na sobrang yaman dahil todo-suporta ‘yon sa career niya noon sa Amerika at ito pa nga ang gumawa ng paraan para magka-billboard sa Las Vegas ang singer nang maging regular performer ito noon sa isa sa mga hotel sa nasabing lungsod.

vuukle comment

ALEX THEATER

AMERIKA

IMELDA

LAS VEGAS

LOS ANGELES

QUEZON CITY

RAW

SAN DIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with