^

Pang Movies

Naiba ang ihip ng hangin, Claudine at Marjorie magkakampi na uli?!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Back to normal at nagpaparamdam na naman si Claudine Barretto. Nag-iingay na naman siya na hindi raw fair na pagkumparahin sina Liza Soberano at ang pamangkin na si Julia Barretto. Hmm may nangangamoy na palitan ng aliance na parang sa nalalapit na pagpalit ng administras­yon. Mukhang sina Claudine at Marjorie ang magkakampi ngayon.   Parang  hindi naman ito pinagdaanan ni Claudine na kinukumpara rin siya nu’ng araw kay Judy Ann Santos.

Kung magkaibigan ngayon sina Liza at Julia, ganoon din naman  ang turingan nu’ng araw nina Juday at Claudine. Part talaga ng showbiz  na may pinagsasabong na artista lalo na pag parehong sumisikat.

Balitang nagkaroon diumano ng ‘di pagkakaunawaan sina Marjorie at Gretchen dahil sa pag-admire raw ni Gretch kay Liza. Itinuturing daw ni Marjorie na karibal ni Julia si Liza. 

Aktres biglang bawi sa pagkukumpara sa akting nina Nora at Vilma

Sa umpukan ng mga kasamahan sa panulat ay naaliw kami sa  isang veteran actess sa Pari ‘Koy nang tanungin sa kumpulan ng press kung sino ang mas magaling kina Nora Aunor at Vilma Santos.

Buong ningning siyang sumagot kung sino sa dalawa ang mas magaling  hanggang ma-realize niya  baka may magalit sa kanya.

Ang pagsasalarawan na lang niya  ay natural pa ring umarte  ‘yung isa, samantalang ‘yung isa naman ay nahaluan na ng mga method of acting.

                                                                        

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

JUDY ANN SANTOS

JULIA

JULIA BARRETTO

LIZA SOBERANO

NORA AUNOR

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with