^

Pang Movies

Pero mas nakakalungkot ang ginagawang pag-papel ni Atty. Fortun, Jolo masama ang lagay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Marami ang affected sa picture ng pagkikita kahapon ni Senator Bong Revilla, Jr. at ng kanyang anak na si Jolo Revilla.

Si Atty. Raymund Fortun ang nag-provide sa mga reporter ng pictures na mabilis na kumalat sa social media.

Hindi puwede na mag-deny si Fortun dahil nakalagay sa mga news report na siya ang namudmod ng mga crying photo nina Bong at Jolo.

Hindi ko alam ang motibo ni Fortun sa paglalabas ng mga litrato pero kung ako ang tatanungin, hindi na kailangan.

Kahit hindi niya inilabas ang mga crying photo, given na magkakaiyakan ang mag-ama sa kanilang pagkikita at expected ito ng madlang-bayan. Ala­ngan naman na maghalakhakan sina Bong at Jolo ‘di ba?

Sumailalim kagabi si Jolo sa CT Scan at kinumpirma ito kahapon ni Fortun sa live presscon niya sa Asian Hospital and Medical Center.

Si Fortun ang nagkuwento tungkol sa mga nangyari sa pagkikita nina Bong at Jolo as in detalyado ang kanyang mga pahayag.

Si Fortun din ang nag-share sa media na gusto ni Bong na i-request sa Sandiganbayan na i-extend ang oras ng pagdalaw kay Jolo dahil deteriorating ang kalagayan nito.

Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari kay Jolo pero mas nalulungkot ako sa mga sinabi kahapon ni Fortun sa mga reporter.

Hinihiling ko sa lahat na ipagdasal si Jolo para bumuti na ang kanyang kalagayan. At sa mga basher niya, maghunos-dili kayo dahil mga dasal ang kailangan ni Jolo.

Lani willing mag-submit ng sworn statement

Nakipag-ugnayan na ang Muntinlupa Police kay Lani Mercado na willing na mag-submit ng sworn statement tungkol sa nangyari sa bahay nila noong Sabado.

Magbibigay din ng sworn statement si Jolo at handa sila na i-surrender sa Muntinlupa Police ang kanyang baril.

Jodi Sta. Maria hindi umaalis sa tabi ni Jolo

Bukod kay Lani, bilib ako kay Jodi Sta. Maria dahil binabantayan niya si Jolo sa ospital.

Inaalagaan ni Jodi ang kanyang boyfriend at ni minsan, hindi siya nagpapainterbyu o nagpapakita sa mga reporter. Hindi siya kagaya ni Fortun na always ready for his close up.

‘Hindi rin ako nakaiwas sa mga reporter’

Hindi rin ako nakaiwas sa mga reporter na nag-aabang sa harap ng ospital dahil tinanong nila ako tungkol sa pagkikita ng mag-ama.

Nagkuwento naman ako para hindi naman mabale-wala ang kanilang paghihintay.

Nakakaloka nga dahil back- to- back kami ni Atty. Fortun habang iniinterbyu  kami.

Dennis siguradong first dance na ni Julia

May interbyu si Papa Ricky Lo kay Dennis Padilla at mapapanood ito sa Startalk sa darating na Sabado.

Ang debut ng kanyang anak na si Julia at ang pagbabati nila ang topic nina Dennis at Papa Ricky.

Sinagot ni Dennis ang lahat ng mga controversial question tungkol sa pagkakasundo nila ng kanyang anak.

At least, maayos na uli ang relasyon ng mag-ama. Tama lang na si Julia ang nag-reach out kay Dennis na miss na miss na ang mga anak nila ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.

Siyempre, si Dennis ang first dance ni Julia sa 18th birthday nito. Maligayang-maligaya si Dennis dahil magiging bahagi siya ng debut party ng panganay nila ni Marjorie.

vuukle comment

AKO

FORTUN

JODI STA

JOLO

JULIA

KANYANG

MUNTINLUPA POLICE

SI FORTUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with