^

Pang Movies

Goma hindi nakakalimutan ang mga tumulong sa career kaya tuloy ang tagumpay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Medyo napahaba na naman ang chat namin ni Richard Gomez noong isang araw matapos na magkasabay kami online. Nasa isang shoot si Goma noon ng pelikulang ginagawa nila ni Dawn Zulueta.

Napag-usapan namin ang itinatakbo ng kanyang career. Aktibo na naman kasi ngayon si Goma sa pagiging isang actor. May mga ginagawa siyang serye sa telebisyon, at bukod doon may mga ginagawa pa nga siyang pelikula. May panahon na naging madalang na ang kanyang mga project. Iyon kasi ang panahon na tinangka niyang pasukin ang pulitika. Tapos naging busy naman siya sa pagtulong sa kanyang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, lalo na nga noong magkaroon ng disaster sa Ormoc.

Pero ngayon, aktibo na naman si Goma. Kung iisipin mo, si Goma lamang ang nag-iisang matinee idol na tumagal ng ganyan. Kasabihan na nga, iyang mga matinee idol, talagang sisikat nang napakataas, pero hindi nagtatagal ang kanilang popularidad. Oras kasi na may pumasok na bagong matinee idol, wala na sila. Flash in the pan, ganyan nga kung sabihin ang popularidad ng mga matinee idol. Pero bakit si Goma ay nariyan pa rin hanggang ngayon?

“Siguro kasi nagsikap ako talaga. Iyong magandang buhay ko, dahil iyan sa aking propesyon bilang isang artista. Ang dami kong narating na lugar dahil artista ako. Maraming bagay sa buhay na naabot ko dahil artista ako. Kaya naman minamahal ko talaga ang trabaho ko at ginagawa ko ang lahat para magawa nang maayos ang aking propesyon.

“Isa pa, lagi kong naaalala iyong mga taong nagmalasakit sa akin, sina Tito Dougs (Douglas Quijano), at lahat iyong iba pa na nagtiwala sa akin. Ayokong masabi nila na sinayang ko ang pagtitiwala nila kasi hindi lahat ng tao binigyan nila nang ganoong tiwala eh, bakit ko sasayangin iyon?

“Nasa isip ko rin iyong fans. Sinuportahan ako ng mga iyan. Kahit na siguro anong pagsisikap ang gawin ko kung wala ang suporta sa akin ng masa, wala ring mangyayari. Kaya iyan ay isa sa mga bagay na pinangangalagaan ko rin.

“Kung bakit narito pa ako hanggang ngayon, hindi ko rin alam, pero natutuwa ako sa nangyayari sa buhay ko, at nagsisikap akong mapanatili ito,” sabi sa amin ni Goma.

Iyan ang artista, kaya tumatagal dahil ganyan.

Kahit bumagsak na ang baga, pamilya ni Jam Sebastian ayaw pa rin sa euthanasia

Ang daming lumalabas na videos sa Internet kasama ng mga balita tungkol sa kalagayan ng Internet sensation na si Jam Sebastian, na kilala sa grupo nilang Jamich. Matapos ang isang taong pakikipaglaban sa lung cancer, bumagsak daw lalo ang kanyang sitwasyon at ngayon ay nakakabitan na lamang siya ng life support.

Marami ang nabigla nang hilingin ni Jam na isagawa na lang ang “mercy killing” dahil hirap na siya. Pero hindi iyon pinayagan ng kanyang pamilya, alam naman nila na malaking kasalanan ang “euthanasia”. Gusto rin nilang ipaglaban ang kanyang buhay. Naniniwala pa rin silang may gagawing himala ang Diyos para kay Jam.

Pero ngayon nga, nakakabit na siya sa isang life support, hindi na gumagana ang kanyang lungs. Hirap na siyang huminga. Kahanga-hanga ang pamilya ni Jam. Give up na rin sila, pero hindi sila payag sa euthanasia. Mali nga naman iyon hindi lamang sa batas ng tao, kundi lalo na sa batas ng Diyos.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

DIYOS

DOUGLAS QUIJANO

GOMA

JAM SEBASTIAN

PERO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with