^

Pang Movies

Maalaga raw at magaling magluto BF nami-miss na ng mga anak ni Eula

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

This week pa lamang magsisimulang mag-ta­ping si Eula Valdez ng role niya bilang si Ysabel sa number one afternoon prime ng GMA 7, ang The Half Sisters, pero excited na raw siyang magtrabaho and work again with director Mark Reyes, na una siyang naidirek years ago pa sa GMA 7 din sa seryeng Kamandag. Excited na rin siya na muling makipagsampalan at makipagsabunutan kay Jean Garcia na itinuturing niyang original ka-love team niya.  Bakit siya pumayag na pumasok na lamang sa book three na ng soap na nagtatampok din kina Barbie Forteza at Thea Tolentino?

“Actually, may isa pang offer sa akin ang GMA 7, pero mag-iisip pa ba akong hindi ito tanggapin, eh, top-rater sa afternoon block ng network,” natatawang sagot ni Eula. “Saka abangan ninyo ang role ni Ysabel na siyang makasasagip sa naaksidenteng si Benjie (Jomari Yllana) sa sumabog na yate na kasama sina Rina (Jean), Diana (Barbie) at Venus (Mel Martinez). Isa akong hacien­dera rito at mai-in love kami sa isa’t isa ni Benjie, na nagka-amnesia at hindi niya alam kung sino siya at ang pagkatao niya.” Biniro namin si Eula na tiyak na sa Hacienda Ysabelle (ni Kuh Ledesma) sa Batangas ang taping nila kaya ganoon ang name ng cha­racter niya. Para namang isang bagong soap ang tinanggap ni Eula dahil sa mataas na rating at mahusay na mga scriptwriters. Nagsimula silang mapanood sa GMA 7 last June, 2014.                                                                                                    

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BENJIE

EULA

EULA VALDEZ

HACIENDA YSABELLE

HALF SISTERS

JEAN GARCIA

JOMARI YLLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with