^

Pang Movies

News anchors and reporters palaban na rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabigo ang mga television reporter na makausap ang mga survivor ng Mamasapano massacre. Pinuntahan nila noong Biyernes sa PNP General Hospital sa Camp Crame ang mga survivor para interbyuhin pero wala na silang inabutan.

Lumabas pala sa ospital ang mga survivor at nagpunta sa Camp Bagong Diwa dahil sa kagustuhan nila na dumalo sa necrological service at makapagpaalam sa kanilang mga namatay na kasamahan.

Nakatutok sa Camp Bagong Diwa ang lahat ng mga reporter ng mga TV network pero dahil sa dami ng mga pulis na naroroon, nahirapan sila na tukuyin kung sino ang mga survivor ng Mamasapano massacre.

Alas-nuwebe nang umaga ang um­pisa ng necrological service par­a sa mga pulis na pinatay sa Ma­guindanao pero pinutol ang programa dahil hi­nintay pa ang pagdating ni P-Noy.

Past 10:00 am na nang dumating ang pangulo at sa mga TV newscast noong Biyernes, idiniin ng mga news anchor sa kanilang mga report na na-late nang dating si P-Noy.

Palaban na ang mga news anchor at ang mga TV reporter. Hindi nila pinagtatakpan ang mga sitwasyon dahil kung ano ang kanilang nakikita, ‘yon ang ibinabalita nila with matching pasaring.

Todo paliwanag?: P-Noy inabot ng madaling araw sa pakikipag-usap sa pamilya ng mga pinatay na pulis

In fairness kay P-Noy, inabot siya nang madaling-araw sa pakikipag-usap sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi.

Pero off limits sa media ang dialogue sa pagitan ni P-Noy at ng mga nagluluksa na pamilya.

Curious ang taumbayan na malaman ang mga napag-usapan sa closed door meeting. Gusto nilang malaman kung may naglakas-loob na magtanong sa pangulo sa hindi nito pagsipot sa arrival honors sa Villamor Airbase noong Huwebes.

Ai Ai parang kapatid na lang ang anak na si Sancho

Kahapon ang birthday ni Sancho Delas Alas, ang panganay na anak ni Ai Ai na pumasok na rin sa showbiz.

Ginanap ang first showbiz party ni Sancho sa clubhouse ng village na tinitirhan nila sa Quezon City.

Full support ang ibinigay ni Ai Ai kay Sancho. May blessing din niya ang pag-aartista ng anak.

Pinayagan ni Ai Ai si Sancho na mag-artista dahil tinupad ng bagets ang pangako na tatapusin muna ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz.

Maganda ang relasyon ni Ai Ai sa kanyang mga anak. Parang magkaibigan ang trato nila sa isa’t isa pero hindi nawawala ang mga respeto sa kanya ng mga bata.

Ang mga anak pa nga ni Ai Ai ang unang nagre-react kapag nasasangkot sa mga eskandalo ang kanilang ina.

Mag-isa na pinalaki ni Ai Ai ang kanyang mga anak at nagtagumpay siya dahil lumaki na mababait at magagalang ang mga bagets. Natatanging ina talaga si Ai Ai.

Kris nireskabakan ang mga nang-aaway

Nakiramay rin si Kris Aquino sa pamilya ng Fallen 44.

Alam at ramdam ni Kris ang sentim­yento ng mga tao laban sa kanyang kapatid kaya nag-post siya ng saloobin matapos makiramay sa naulilang pamilya ng mga biktima.

“On a day when I just had to stay strong & accept with steadfast courage all the anger, on a day when I felt how hard it was to practice quiet dignity, on a day I taught myself that it’s not about me, that my pain is minuscule in comparison to the widows, mothers, fathers & brothers I spent quiet, private time with last night, when not one of them spoke to me harshly or blamed me in the way I had to endure from those who have the ability to post but not the will to do actual good, when in actuality from those most hurting I received sincere appreciation even when I was so prepared for hatred, I went to work & did my job w/ self respect and grace.

“Sa lahat sa inyong pinaramdam sa kin ang inyong pagmamahal at respeto, I shall hold in my heart those posts.”

Eula at Jean hindi nauubusan ng pag-uusapan

Nakakaranas na ng mga hot flashes si Eula Valdes sa edad na 46.

Hindi idine-deny ni Eula na nararamdaman na niya ang mga sintomas ng menopause at affected nito ang kanyang behavior.

Ang maganda kay Eula, tanggap niya na malapit na siya mag-menopause. Imbes na magmukmok sa bahay, lumalabas siya, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Visible uli si Eula dahil  siya ang bagong cast member ng The Half-Sisters ng GMA 7.

Makakasama ni Eula sa The Half Sisters ang kanyang ‘loveteam’ na si Jean Garcia. Bihirang mag­kita ang dalawa pero magkaibigan sila. Hindi nauu­busan ng mga pinag-uusapan sina Eula at Jean sa taping ng mga teleserye na pinagsasamahan nila.

vuukle comment

AI AI

BIYERNES

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

DAHIL

EULA

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with