^

Pang Movies

Nakakita ng bangkay habang nag-iikot, sikat na aktres na-trauma na sa pagbili ng lupa

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

May nakapagbulong sa aking isang reliable source na kaibigan ng isang mayamang mag-asawa na naninirahan sa Cavite.

Ayon dito, nakilala niya ang isang maganda at sikat na aktres na pinag-alukan niya ng lupa sa na­turang lalawigan para sa gagawin niyang poultry farm. Mahilig kasi ito sa manukan.

Nagkasundo sila sa presyo ng ipinagbibiling lupa. Gustong tingnan ng aktres ang lawak ng lupa na gagawing poultry farm. Naglakad-lakad ang nagbebenta at ang aktres sa farm nang may nakita silang patay na tao (na sinalvage yata). Biglang nagtatakbo ang aktres at nagsisigaw sa matinding takot.

Hindi natuloy ang bentahan ng lupa at laking panghihinayang ng nagbebenta ng lupa. Ang ending, nabalitaan namin na hindi na poultry farm ang gusto ng aktres. Bumili ito ng farm para sa mga prutas na namumunga. Na-trauma ito sa kanyang karanasan nung bibili sana ng lupa na gagawing poultry farm.

MJ masaya kahit talunan sa Miss U

Nainterbyu ng Unang Hirit si MJ Lastimosa at tinanong kung ano ang reaksyon nito sa hindi nito pagkakasama sa Top 5 ng Miss Universe. Maganda ang naging paliwanag ng beauty queen na natutuwa pa rin sa kabila ng pagkakatalo sa Miss Universe.

Ayon dito, sapat na sa kanya na tinilian siya at si­nuportahan ng maraming Pinoy dun sa Florida.

Gayunpaman, kahit laglag si MJ sa Top 5 ay proud pa rin sa kanya ang sambayanang Pilipino dahil ginawa nito ang lahat ng paraan para mapansin sa buong mundo ang kagandanhan ng mga Pinay.

Ngayon naman ay inaabangan na ang pagsali ni WinWyn Marquez sa darating na Bb. Pilipinas ngayong Marso. Malaking tulong ang kanyang tiyahing si Melanie Marquez dahil nabibigyan siya ng mga pointers para manalo.

vuukle comment

AYON

BIGLANG

BUMILI

CAVITE

FARM

MELANIE MARQUEZ

MISS U

MISS UNIVERSE

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with