^

Pang Movies

Simula nang magkaanak: Sarah feeling matanda na kahit 21 lang, hindi na makasabay sa puyatan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanibago si Sarah Lahbati sa muling paggawa ng pelikulang Liwanag sa Dilim ng APT Entertainment. Although physically demanding ang role niya na misteryosang babae sa movie kung saan tinadtad ang katawan niya ng harness sa eksenang maaksyon, naitawid naman niya ito at naging kuntento siya sa resulta ng mga ginawa niya.

“I think, nahirapan ako sa puyatan! Ha! Ha! Ha! Nanibago ang katawan ko!

“Si Zion kasi wakes up at 6 (a.m.) or 7 (a.m.). Then, tulog na kami ng 7 or 8 p.m. So mga nine or ten p.m., antok na antok na ako sa set! Ha! Ha! Ha!

“Siguro, nakaka-five or six cups of coffee ako in the evening. ‘Yun lang naman ang adjustments.

“Tapos, tinitingnan ko ang mga bata, sina Igi (Boy Flores), Bea (Binene) and Jake (Vargas), alive na alive! Mga two a.m.! Sabi ko, bakit ganito? Eh, twenty one lang ako! Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang naman ang adjustment! Ha! Ha! Ha!” rason ni Sarah nang aming makausap sa rough press preview ng movie sa Wildsound Studios.

Ano naman ang sabi sa kanya ni Richard (Gutierrez) sa muli niyang pagsabak sa screen?

“As usual, very supportive si Chard. He’s also excited kasi alam niyang mahilig akong magtrabaho and especially umarte. He’s happy.

“Sabi niya, I just give my best. Huwag malamya. Kung ano ang ginagawa ko sa GMA. Try to do the same and give my best,” saad niya.

Kahit may Zion na, seksing-seksi pa rin ang dating ni Sarah. Tuloy pa rin siya sa work out, pero ang pag-aasikaso kay Zion ang malakas makatulong sa pagmi-maintain ng katawan.

“Work out na sa akin si Zion! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ni Sarah.

Wala pang regular na project si Sarah sa GMA. Biniro tuloy namin, “May problema pa ba?”

“Wala (nang problema)! Ha! Ha! Ha!” tugon naman niya.

Take note na sa Liwanag sa Dilim, maraming eksena si Sarah na naka-harness and wala naman na­ging problema sa kanya ‘yon unlike before na naging isyu ‘yon sa guesting niya sa Indio ni Senator Bong Revilla, Jr. dahil that time, umugong ang tsismis na buntis siya kay Zion.

Marian hinihintay magkuwento sa honeymoon nila ni Dingdong

Back to reality na si Misis Marian Gracia Dantes. Pagkadating ng bagong kasal, hayun at nagpagupit ng buhok at sunud-sunod na meetings ang ginawa nito lalo na sa bagong soap na gagawin sa GMA.

Sa Eat Bulaga ang first public appearance ni Yan Yan pagkabalik sa honeymoon para sa segment ng Juan For All! All For Juan! Kikay pa rin ang dating niya’t nakipagbaliwan kina Jose Manalo, Wally Ba­yola at Paolo Ballesteros.

Pero ang maganda, dinagdagan na niya ang ibi­nibigay niyang Puhunan ni Marian, huh! Bukod pa rin sa additional cash na ibinibigay ng programa.

Siyempre, waiting ang media sa non-stop kuwento ni Marian sa mga kaganapan sa honeymoon nila ni Dingdong Dantes sa Europe, huh!

vuukle comment

ALL FOR JUAN

BOY FLORES

DILIM

DINGDONG DANTES

JOSE MANALO

JUAN FOR ALL

LIWANAG

MISIS MARIAN GRACIA DANTES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with