^

Pang Movies

Cristine susunod na, Ara lumabas na ang Christmas gift!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mother na si Ara Mina at babae ang anak nila ng partner niyang si Patrick Meneses na isinilang nu’ng Disyembre 17 bago mananghali.

Amanda Gabrielle ang name ng bata at Mandy ang tawag nila rito. Best Christmas gift daw ang pagsilang ng anak nila ayon sa Instagram account ni Ara.

After maging nanay ni Ara, ang sister naman niyang si Cristine Reyes ang manganganak. ‘Yun nga lang, gaya ng sister ni Ara, wala pang basbas ng pari ang pagsasama nila sa kani-kanilang partner, huh!

Star Group binibigyang halaga ang mga kolumnista

Special guest ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan sa Christmas Party ng Star Group of Companies last Wednesday sa Hotel Sofitel. Bahagi na rin ang publication si MVP although si Sir Miguel Belmonte pa rin ang namamahala ng kumpanya.

Heroes & Villains ang motif ng party. At ang editor namin dito na si Salve ay tinalbugan ang costume ni Angelina Jolie sa movie na Maleficent, huh! Courtesy ang make-up niya ni Bambbi Fuentes at hiniram naman ni Jun Lalin sa stylish na si Regi Cruz ang kanyang outfit huh.

Bongga naman ang costume ng hosts na sina Tim Yap na Iron Man at ng anak ni Sir Miguel na si Reggie ay naka-Harley Quinn.

Pero ang nakakatutuwa ay ang partisipasyon ng mga empleyado sa konsepto ng party and take note, binigyang halaga ng Printing employees ang Pinoy heroes gaya ng Panday, Joaquin Bordado, Elias Paniki, at iba pa.

Ang nakatutuwa sa party, binigyang-halaga pati kaming entertainment co­lumnists! Isinama rin kami sa raffle at meron kaming Noche Buena package pag-uwi!

Thank you, Sir Miguel at sa aming editor dahil bahagi kami ng kumpanyang binigyang-halaga ang lahat ng nakakatulong sa pag-unlad ng publikasyon! (Welcome po. Salamat din. - SVA)

Alonzo abala sa pagpasok ng 2015

Dalawa agad ang show ng child actor na si Alonzo Muhlach sa ABS-CBN next year. Malaking tulong din ang pagiging co-hosts ng bunsong anak ni Niño Muhlach sa The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon upang mahasa ang kaalaman niya sa harap ng kamera. Inaalalayan rin kasi siya ni Aleng Maliit sa talk show eh lalo na’t magkasama sila sa Prin­sesa episode ng My Big Bossing.

Isa sa duwende si Alonzo sa ABS-CBN fantaserye na Inday Bote. Bida rito si Alex Gonzaga at sila ang magkakulitan ng child actor sa TV plug na ipinakikita ng network.

Nakatakdang isama rin si Alonzo sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Malalaman natin kung masasapawan niya ang mga mas matanda sa kanyang bata roon once mapanood na siya sa gag show.

‘Yun nga lang, pag lumabas na si Alonzo sa Dos, may chance na mawala na rin siya sa The Ryzza Mae Show, huh!

Miguel at Bianca may pasabog sa 2015

Pambuwena-manong handog ng GMA Network ang teen loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sila ang magbibida sa rom-com na Once Upon a Kiss na January ang target telecast.

Siyempre, mas focus sa pag-iibigan sa series ang sentro ng OUAK dahil nga sa unang pagsasama nila sa Niño eh pakyut lang ang mga eksena nila.

Eh si Bb. Joyce Bernal pa ang director ng prog­rama na nagdirek din ng My Destiny nina Carla Abellana at Tom Rod­riguez. Bihasa na sa ganitong genre ng direktora, kaya magagawa niyang pakiligin ang manonood sa estilo niya sa rom-com concepts.

Ilang weeks na lang ay 2015 na kaya ang mga networks, nagsisimula na sa mga bagong pasabog para sa televiewers, huh!

 

vuukle comment

ALENG MALIIT

ALEX GONZAGA

ALONZO

ALONZO MUHLACH

AMANDA GABRIELLE

ANGELINA JOLIE

ARA MINA

RYZZA MAE SHOW

SIR MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with