^

Pang Movies

Kahit inaakusahang oportunista Andi todo tanggol sa bagong ‘BF’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May big challenge sa upcoming actor na si Brent Jackson, ang patunayan na hindi siya oportunista tulad ng paniniwala ni Jaclyn Jose na hindi boto sa kanya bilang boyfriend ni Andi Eigenmann.

Ipinagtatanggol ni Andi si Brent. Nirerespeto raw niya ang sinabi ng kanyang ina pero hindi siya agree sa belief ni Jaclyn.

The who sa akin at sa maraming tao si Brent kaya wala akong opinyon tungkol sa kanya.

Basta ang alam ko, mothers know best at napag-uusapan lang si Brent mula nang ma-link siya kay Andi na number one defender niya.

Mga bisita sa Dongyan wedding bawal magsuot ng puti

Red ang kulay ng damit na isuot ang request sa invited female guests sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Hangga’t puwede, iwasan ng female guests na magsuot ng all white gown o outfit dahil baka sila ang mapagkamalan na bride, hindi si Marian.

Ipaubaya na nila kay Marian ang solo na pagsusuot ng white wedding gown dahil minsan lamang siya ikakasal.

Para naman sa male guests, coat and tie o Barong Tagalog ang request na gamitin nila.

May mga bisita na invited lang sa wedding reception at hindi sa wedding ceremony para maiwasan na maging circus ang kasal nina Marian at Dingdong.

Malaki ang Immaculate Conception Cathedral pero nagmimistulang maliit ang malalawak na lugar kapag umaapaw ito sa tao.

Ang security ng lahat ang main concern sa nalalapit na kasal nina Marian at Dingdong dahil sa mga VIP guest na kagaya ko at ni P-Noy.
    Pero mag-expect tayo ng heavy traffic situation sa paligid ng Immaculate Conception Cathedral dahil tiyak na hindi magpapaawat sa pag-uusyoso ang fans na gustong makita nang personal ang bride at groom.

Matteo at Lovi kitang-kita sa aura ang pagka-in love

Guwapung-guwapo si Matteo Guidicelli at magandang-maganda si Lovi Poe sa mga eksena nila sa Flight 666 ng Shake, Rattle & Roll XV.

Nanggaling ang kuwento mula sa mga dumalo sa celebrity screening ng pelikula sa SM Megamall Ci­nema 6 noong Wednesday night.

Simple lang ang explanation sa mga nagmumura na kaguwapuhan at kagandahan ng dalawang bida ng Flight 666.

In love na in love sina Matteo at Lovi sa kanilang respective partners at mababakas ito sa mga mukha nila.

Bernard umiwas pag-usapan si Erap

Si Bernard Palanca pala ang main contravida sa Flight 666 at mahaba ang exposure niya.

Hindi dumalo si Bernard sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV kaya walang masyadong publicity ang participation niya sa  entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2014.

Ang duda ng mga malisyosa at intrigera, sinadya ni Bernard na huwag umapir sa presscon para hindi siya tanungin ng mga reporter tungkol sa relasyon nila ni Jerika, ang anak nina Laarni Enriquez at Manila City Mayor Joseph Estrada.

Common knowledge na hindi boto si Papa Erap kay Bernard kaya tama lang na maging maingat ito sa pagsasalita para hindi siya ma-misqoute. No talk, no mistake.

Ipinaglaban nina Bernard at Jerika ang kanilang pagmamahalan, sa kabila ng pagtutol ni Papa Erap. Marespeto si Bernard sa mga nakatatanda sa kanya at alam niya kung saan siya lulugar. Malay natin, dumating ang panahon na tanggapin ni Papa Erap si Bernard kapag napatunayan nito na deserving siya na maging legal husband ni Jerika.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

BARONG TAGALOG

BERNARD

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

JERIKA

PAPA ERAP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with