^

Pang Movies

Alonzo, walang tantrum

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa nagdaan na mga taon ay hindi nagbago si Vic Sotto kaya naman hanggang ngayon ay nasa tuktok pa rin siya ng tagumpay. Dumami ang kanyang endorsements dahil sa magandang pagkatao at karisma sa mga tao.

Handog ngayon nito ang masaya niyang pelikulang My Big Bossing na ayon sa komedyante ay bagay ang karakter na ginampanan ng lahat ng artista. Pambata ang pelikula kaya naman kasama sina Ryzza Mae Dizon at bagong child wonder na si Alonzo Muhlach. Sabi nga ng mga artistang kasama sa movie mabait sa bata si Bossing at nilalaro niya ang mga ito sa set. Ayaw din niyang mapupuyat ang mga bata.

Sinabi naman ni Marian Rivera na isa sa leading-lady niya na araw-araw ay masaya sa set at nagkarun sila ng bonding ni Vic na tatayong ninong sa kasal nila ni Dingdong Dantes.

Kontrabida naman si Pauleen Luna at kahit challenging ang role ay nag-enjoy naman siya. Dalawang oras na nilagyan siya ng prosthetic make-up.

Agaw pansin sa presscon ng My Big Bossing   dahil bibo talaga ang sinasabing bagong child wonder na si Alonzo Muhlach. Gustung-gusto pala nito na maging artista at enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Inamin ng ama nitong si Niño na noong bata pa siya ay wala siyang sumpong sa set at ganito rin si Alonzo ngayon na enjoy sa kanyang ginagawa.

Natawa ang lahat nang sabihin nito na gusto niya si Ryzza Mae dahil mabait ito at nagsilbing ate niya habang sila’y nagsusyuting.

vuukle comment

AGAW

ALONZO MUHLACH

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

MY BIG BOSSING

PAULEEN LUNA

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with