^

Pang Movies

Angel malaki ang ginastos sa pagpapa-renovate ng bahay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Napadalaw kami sa magarang bahay nila Angel Locsin at nakakuwentuhan ko uli si Daddy Angel ng aktres.

Pinagagandang mabuti ni Angel ang kanyang bahay at napakalaking halaga rin ang magagastos. Pati swimming pool ay pina-renovate na rin kung saan pati tiles ay pinapalitan.

May condo unit din ito na malapit sa kanilang tinitirhan kung saan ilang unit na lang ang bakante. Bihira sa mga artistang kagaya ni Angel ang masinop sa kabuhayan. Lahat ng kita nito ay napupunta sa kanyang mga investment. Mala­king tulong ang kanyang daddy na nagsisilbing adviser pagdating sa pagpupundar ng kabuhayan.

Gov. Vi pinag-aaral muna si Luis

Kahit galing sa sakit si Gov. Vilma Santos ay maganda pa rin ito at fresh ang beauty nang humarap sa entertainment press para muling ilunsad ang Ala Eh! Festival na gagawin this time sa Taal Batangas.

‘‘Bawat bayan ay may kanya-kanyang Foundation. Itong Ala Eh ang mother of all festivals kung saan layunin ay magkaisa ang mga local officials tungo sa ikagaganda at ikauunlad ng lalawigan ng Batangas,’’ sabi ni gobernadora.

May nagtanong kung hindi ba siya kakandidatong muli bilang mayor ng Lipa? Ayon kay Ate Vi pinababalik siya ng mga Lipeños kaya nagpapasalamat siya sa mala­king tiwala na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kababayan.

May nagtanong din kung ano ang masasabi niya sa plano ni Luis na kumandidatong mayor ng Lipa sa susunod na eleksyon.

‘‘Hindi ko ini-encourage si Luis sa balak niyang ito. Hindi magiging madali ang maging mayor ng Lipa. Kung talagang gusto niyang sundin ang plano niya kailangang mag-aral muna siya.”

vuukle comment

ALA EH

ANGEL LOCSIN

ATE VI

DADDY ANGEL

ITONG ALA EH

LUIS

TAAL BATANGAS

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with